
Mapupuno na naman ng misteryo ang inyong mga gabi sa bagong handog ng GMA The Heart of Asia ngayong Abril dahil mapapanood na ang Thai drama series na Midnight Museum.
Pagbibidahan ng Thai drama actors na sina Gun Atthaphan Phunsawat bilang Dom, Namtan Tipnaree Weerawatnodom bilang June, Foei Patara Eksangkul bilang Tristan, Saiparn Apinya Sakuljaroensuk bilang Alexa, Ploypach Phatcharon Thanawat bilang Bam, at Tor Thanapob Leeratanakachorn bilang Setro ang naturang serye.
Ang Midnight Museum ay isang supernatural fantasy-thriller na iikot sa storya ni Dom (Gun Atthaphan Phunsawat), isang barista na nasa bingit ng pagkawala ng trabaho. Dahil sa biglaang job offer ng regular customer na si Setro (Tor Thanapob Leeratanakachorn), napunta siya sa isang misteryosong museo na bukas lamang tuwing gabi.
Gaano nga ba kabigat ang magiging responsibilidad ni Dom? Ano kaya ang mga matutuklasan niya sa museong puno ng misteryo?
Huwag palampasin ang premiere ng Midnight Museum simula April 19, 10:45 p.m., sa GMA.