
Mas pinatindi ang mga eksena sa kinagigiliwan at pinag-uusapang drama sa hapon -- ang Ang Dalawang Ikaw.
Sa episode ngayong Huwebes, August 12, magpapalitan ng galit at sakit sina Mia (Rita Daniela) at Beatrice (Anna Vicente) matapos mamatay ang batang nasa sinapupunan ng huli.
Sa gitna ng gulong kasasangkutan, mas lalalim ang hidwaan sa pagitan ng dalawa sa paglabas ng bagong katauhan ni Nelson (Ken Chan).
Salubungin ang pagdating ng ikatlong persona ni Nelson ngayong hapon sa Ang Dalawang Ikaw, 3:25 p.m., pagkatapos ng Nagbabagang Luha, sa GMA Afternoon Prime.
Kung hindi ninyo mapanood ang mga kapana-panabik na eksena mamaya, maaaring balikan ang full episodes ng Ang Dalawang Ikaw at iba pang programa ng GMA sa GMANetwork.com o GMA Network app.
Para naman sa mga Kapuso abroad, bisitahin ang www.gmapinoytv.com para sa iba pang impormasyon kung paano mapapanood overseas ang drama series.
Pinagbibidahan nina Ken Chan at Rita Daniela ang Ang Dalawang Ikaw, kasama si Anna Vicente.
Tampok din sa serye sina Dominic Roco, Jake Vargas, Marco Alcaraz, Ervic Vijandre, Pen Medina, Joana Marie Tan, Lianne Valentin, Jeremy Sabido, at mga batikang aktor na sina Sharmaine Arnaiz at Ricardo Cepeda sa espesyal na pagganap.
Ang Ang Dalawang Ikaw ay mula sa orihinal na konsepto ni Geng Delos Reyes-Delgado at mula sa direksyon ni Jorron Lee Monroy.