
Bago ang finale week, isang bagong karakter pa ang mapapanood sa kilig-serye ng GMA na Luv Is: Caught in His Arms - ito ay si Samuel Almero na gagampanan ng Kapuso actor na si Dion Ignacio.
Sa episode ng nasabing series ngayong Biyernes, March 3, ipapakita ang unang paglabas ni Samuel bilang kapatid ni Lorenzo Almero (Bobby Andrews).
Matatandaan na nitong linggo ay natuklasan na ang tunay na pagkatao ni Florence (Sofia Pablo) bilang ang nawawalang apo ni Don Rogelio (Audie Gemora) na si Celestina Almero.
Bagamat nakauwi na sa tunay niyang pamilya si Florence, desidido pa rin ang mga Almero na hanapin ang mastermind sa kanyang pagkawala at sa pagkamatay ng kanyang ina na si Alyana na sa kanilang paniniwala ay kagagawan ng kanilang kalabang pamilya na Ferell.
Dahil dito, mas naging mahirap ang komunikasyon nina Florence at kanyang kasintahan na si Nero (Allen Ansay) na mula sa pamilyang Ferell.
Pero ano kaya ang magiging papel ni Samuel sa buhay nina Florence at Nero? Siya ba ay kakampi o nagbabadyang kalaban?
Abangan ang mas tumitinding mga tagpo sa huling anim na gabi ng Luv Is: Caught in His Arms, weeknights, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad. Mapapanood din ito sa GTV, Monday to Thursday, 11:30 p.m., at every Friday, 11:00 p.m. Balikan naman ang mga episode sa Pinoy Hits channel 6 sa GMA Affordabox at GMA Now.
BALIKAN ANG BEHIND-THE-SCENES PHOTOS NG LUV IS: CAUGHT IN HIS ARMS SA GALLERY NA ITO:
ID: 16430
https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/luv_is/16430/look-behind-the-scenes-of-luv-is-caught-in-his-arms/photo