
Kinaaaliwan ngayon ng netizens ang kakulitan nina Kate Valdez at Faith Da Silva sa isang TikTok dance video.
Enjoy na enjoy sa kanilang pagsayaw sina Kate at Faith habang nasa set ng Encantadia Chronicles: Sang'gre at naka-costume bilang Mira at Flamarra.
"Habang 'di nakatingin si momshie @Glaiza De Castro. Love you @Kate Valdez," sulat ni Faith.
@faithdasilva29 Habang di nakatingin si momshie @Glaiza De Castro 🙈 Love you @Kate Valdez ♬ original sound - Brooke 👩🏼🎤
Kasalukuyang mayroon 1.7 million views sa Facebook at 679,000 sa TikTok ang video na ito nina Kate at Faith.
Nakatutuwang komento ng isang X user: "Eto natutunan ni Flamarra sa mundo ng mga tao."
"Mga epal sa Hathoria," dagdag ng isang netizen.
Sa Sang'gre, napapanood sina Kate at Faith bilang Mira at Flamarra, mga anak ni Sang'gre Pirena (Glaiza De Castro).
Patuloy na subaybayan at suportahan sina Kate Valdez at Faith Da Silva sa Encantadia Chronicles: Sang'gre, 8:05 p.m. sa GMA Prime at 9:45 p.m. sa GTV.
Related content: