
Ipinahayag ng impersonator na si KaladKaren Davila o Jervi Lee sa tunay na buhay ang kanyang pagkadismaya matapos siyang hindi papasukin sa H&J Sports Bar and Restaurant sa Makati City kasama ang kanyang mga kaibigan.
Ipinost niya sa Twitter ang video ng komprontasyon nila ng bouncer ng bar. Base sa video, na-offend siya dahil na-discriminate siya bilang transgender woman.
BAWAL ANG BAKLA: Last night, my friends and I were denied entry to H&J Sports Bar and Restaurant in Poblacion, Makati dahil bawal raw po pumasok ang mga “BAKLA”. HINDI dahil sa DRESS CODE or whatever, pero dahil BAKLA po kami. Totoo ba, dear??? 2018 na! #MayPinalayas pic.twitter.com/mp1AMBSCWG
-- KaladKaren Davila (@jervijervi) August 26, 2018
Nakuha ni KaladKaren ang simpatiya ng mga netizens at nagpaabot din ng suporta.
Inireklamo naman ng concerned netizen na si Gelo Gallardo ang naturang insidente sa pamamagitan ng pag-me-message sa official page ng H&J Sports Bar and Restaurant sa Facebook.
Nakakagalit!!!!!!
-- gelo (@gelogallardo) August 26, 2018
I sent them a message on their FB page. pic.twitter.com/6u5w6JVO4X
Humingi naman ng tawad ang isa sa mga regular DJs ng bar na si DJ Izza kay KaladKaren at inihayag ang posibleng dahilan ng pagpapaalis ng bouncer sa kanila.
Reply from the DJ that replied to my message. She was the one who replied to my message using the Official FB page ng H&J Bar.
-- gelo (@gelogallardo) August 26, 2018
Mas nakakagalit ang dahilan sa pagbabawal sa mga bakla!!!!!! pic.twitter.com/ZqqeNPqCMq