What's on TV

'Kalamay Girl' na si Antonetthe Tismo, pasok sa Top 64 ng 'The Clash!'

By Jansen Ramos
Published August 13, 2019 5:47 PM PHT
Updated September 20, 2019 4:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Trump says he thinks China can open its markets to US goods
Student harassed on the road by rider in Bacolod City
FPJ Sa G! Flicks: 'Asedillo' | Teaser

Article Inside Page


Showbiz News



Pasok na sa Top 64 ng 'The Clash' Season 2 ang online sensation na si Antonetthe Tismo matapos magwagi sa Duet With Me ng 'Studio 7.'

Pasok na sa Top 64 ng The Clash Season 2 ang online sensation na si Antonetthe Tismo matapos magwagi sa Duet With Me ng Studio 7.

Antonetthe Tismo
Antonetthe Tismo

READ: 'The Clash,' kasado na ang pagbabalik sa telebisyon

Ani Antonetthe na binansasgang dramatic diva ng Parañaque, naging inspirasyon niya ang kanyang ama sa kanyang singing career.

"Nakikita ko po si Papa habang kumakanta po ako.

"Sobrang saya niya kasi 'yun po 'yung gusto niya, kada performance ko, ando'n po siya parati."

Dream come true para kay Antonetthe ang kanyang pagkakapasok sa Top 64 ng The Clash dahil, aniya, gusto niyang sundan ang yapak ng kanyang idol na si The Clash Season 1 winner Golden Cañedo.

Sambit niya, "Gusto ko pong sundan 'yung yapak ni Ate Golden.

"Magaling po siya, nanonood po ako ng videos niya, lalo na 'yung final performance n'ya sa The Clash."

Kung sakali mang siya ang palaring manalo sa kompetisyon, nais raw niyang gamitin ang mapapanalunang pera para ipangtulong sa kanyang pamilya at sa kanyang pag-aaral.

Bahagi niya, "Para sa family ko po tapos 'yung matitira ko po, itatabi ko po, para sa future namin, kapag nag-college po ako.

"Syempre, hindi naman po pwedeng tumigil ng pag-aaral kahit na kumakanta ka, second priority lang 'yun.

"Kasi kapag nakapagtapos ka, may trabaho ka, sure na future mo.

"Tapos tutulungan ko po pamilya ko kasi 'yung mga pinsan ko po, nagre-repack pa rin ng gulay, nakakaawa naman."

Naging viral si Antonetthe noong 2014 dahil sa kanyang "marketing strategy" habang naglalako ng kalamay. Para makabenta, ibinibirit niya ang kanyang malahiganteng boses sa pamamagitan ng pagkanta ng Aegis hit na "Sayang na Sayang."

Kuwento niya sa isang panayam ng GMANetwork.com kamakailan, kusa niya itong ginawa para makatulong sa kanyang pamilya.

Pagbabalik-tanaw niya, "May kapitbahay po kaming gumagawa ng kalamay tapos pinapatinda niya sa mga estudyante.

"Unang araw ko po naka-three trays na agad ako, 25 pieces each tray po 'yun.

"Tapos 'yung pangalang araw, 'yun na po 'yung seven trays, tapos 'yun na 'yung vinideohan ako tapos kinabukasan, nag-viral na po 'yung video."

Abangan ang journey ni Antonetthe sa The Clash, malapit na sa GMA.