What's on TV

Kalbaryo ng tunay na Cheska sa 'Kambal, Karibal'

By Jansen Ramos
Published October 30, 2020 1:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DOTr to build covered walkway connecting two QC malls along EDSA
BFP 7 hoists Red Alert status for the holidays
Straight from the Expert: Lechon after the celebration (Teaser)

Article Inside Page


Showbiz News

Kyline Alcantara in Kambal Karibal


Talikuran na kaya ni Cheska si Black Lady matapos siyang pagtaksilan ng masamang espiritu?

Sa episode 161 ng Kambal, Karibal, nagduda si Maricar (Sunshine Dizon) sa katauhan ni Cheska (Kyline Alcantara) matapos siyang pagtangkaang patayin nito.

Humingi naman ng paumanhin si Crisel (Pauline Mendoza), na nagpapanggap bilang si Cheska, sa ginang at agad naman siyang pinatawad nito dala ng pagkasabik sa anak.

Sunshine Dizon hugging Kyline Alcantara in Kambal Karibal

Samantala, kakaibang hirap at pagdurusa ang nararanasan ngayon ng tunay na Cheska habang nasa ilalim siya ng kapangyarihan ni Black Lady (Roence Santos).

Panoorin ang mga eksena iyan sa video sa itaas. Kapag hindi ito naglo-load nang maayos, maaaring mapanood ang episode highlights DITO.

Ang muling pagpapalabas ng Kambal, Karibal ay alinsunod sa special programming ng GMA ngayong panahon ng COVID-19 quarantine.

Patuloy na subaybayan ang hit 2017-18 series Lunes hanggang Huwebes, pagkatapos ng Descendants of the Sun (The Philippine Adaptation) sa GMA Telebabad.

Samantala, maaaring mapanood ang aired full episodes ng Kambal, Karibal at ng iba pang Kapuso shows sa GMANetwork.com at GMA Network app.

Ang Kambal, Karibal ay pinagbibidahan nina Bianca Umali, Pauline Mendoza, Miguel Tanfelix, at Kyline Alcantara.

Tampok din dito ang mga batikang aktor na sina Carmina Villarroel, Jean Garcia, Christopher De Leon, Marvin Agustin, Alfred Vargas, Gardo Versoza, at Ms. Gloria Romero.

Kabilang din sa supporting cast ng programa sina Jeric Gonzales, Chesca Salcedo, Rafa Siguion-Reyna, Eliza Pineda, Sheree, Miggs Cuaderno, at Raquel Monteza.