
Tuloy pa rin ang kompetisyon sa semi finals ng patok na segment na "Kalokalike Face 4."
Noong November 20, mainit ang labanan sa pagitan ng anim na semi finalists dahil sa ipinamalas nilang talento at saya sa It's Showtime studio.
Unang ipinakilala ang Marian Rivera ng Cavite na si Pattie. Kuhang-kuha niya ang giling ng Kapuso Primetime Queen at pati ang kulit nito. Kasama ang iba pang host, nakabuo sila ng bagong dance challenge na "Kyudkyud Niyog."
Bongga naman ang performance ng Vice Ganda impersonator mula sa Baguio City na si Deja. Hindi lang sayaw at lip sync ang ginawa niya, pati unkabogable stunts.
Sinundan naman ito ng "rock 'n roll" vibes ang Ely Buendia mula sa Pasay na si Alvin. Marami ang natawa sa kanyang witty banters kasama ang mga hurado na sina Jugs Jugueta at Teddy Corpuz.
"Pareng Jugs, puwede tayo mag-collab, Itchyworms at Eraserheads," sabi ni Alvin, habang bilang si Ely. "Ang title ng ano natin show, 'ItchyHeads.' Puwede (rin) tayo maglabas ng first single na 'Balakubak' ang title."
Namangha naman ang madlang Kapuso nang ipinamalas ng LeBron James impersonator na si Scott ang kanyang basketball skills. Marami rin ang natuwa sa kanyang nakakatawang basketball match kasama ang OPM singer na si Ogie Alcasid.
Pagkatapos ang tawanan, isang bonggang performance naman ang sinundan ng Awra Briguela ng Cebu City na si Jefferson. Hindi lang hataw sa pagsasayaw ang ipinamalas niya sa madlang audience, pati pag gawa ng stunts kagaya ng tumbling at splits.
Todo akting naman ang ipinakita ng Jason Momoa ng Antipolo City na si Blake. Marami ang natuwa rin sa kanyang kulitan kasama ang It's Showtime host.
"Are you friends with Ariel (The Little Mermaid)?" tanong ni Vice Ganda sa impersonator.
"Different company," patawang sagot ni Blake.
"Nag nenegosyo din pala sila doon, no?" hirit ni Vice habang natatawa ang lahat.
Sa huli ng face-off, itinanghal na winners of the day ang impersonators nina Ely Buendia, Awra Briguela, Jason Momoa, at Lebron James. Silang apat ay pasok sa grand finals ng "Kalokalike Face 4" na gaganapin sa Sabado (November 23).
Subaybayan ang It's Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.
Samantala, balikan ang mga naging trending at nagwagi na "Kalokalike Face 4" contestants sa gallery na ito: