GMA Logo Kaloy Tingcungco
Source: kaloytingcungco/IG
What's Hot

Kaloy Tingcungco, aminadong may pressure sa pagiging Fashionista Oppa

By Kristian Eric Javier
Published May 24, 2024 5:11 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Actor McConaughey seeks to patent image to protect from AI
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Kaloy Tingcungco


Alamin kung paano napapanatili ni Kaloy Tingcungco ang kaniyang fashion style dito.

Kilala hindi lang bilang Morning Oppa sa Umaga, kundi maging Fashionista Oppa ang isa sa mga host ng morning show na Unang Hirit na si Kaloy Tingcungco. At pag-amin niya, nakaramadam siya ng pressure sa moniker na iyon.

Sa Surprise Guest with Pia Arcangel podcast, sinabi ni Kaloy na vain naman talaga siya dati pa. Aniya, hindi naman siya makukuha bilang isang flight attendant o modelo at TV commercial model kung hindi.

“So conscious na talaga ako dati pa, we were trained to take care of our grooming nu'ng flight attendant ako, that's how I learned to actually prep my skin, how my hair should look like. Nadala ko siya hanggang pagiging artista at TV personality,” sabi niya.

Kuwento ni Kaloy, isa sa mga paraan na ginagawa niya para hindi mawalan ng idea sa kaniyang pananamit ay pagpili ng base color na susuotin, at hahanapan ito ng katerno. Pag-amin pa niya, tumitingin siya sa image sharing platform na Pinterest ng inspiration.

TINGNAN ANG FASHIONABLE FITS NG BOYS OF SUMMER SA GALLERY NA ITO:

Pagdating naman sa pressure, “Yes, may pressure kasi parang they are expecting you to look good every single time lalabas ka nga.”

“Pero to me din naman, it has a benefit kasi they perceive you as someone high value na parang hindi ka pwedeng ilagay lang sa ganitong kahon, sa ganitong image,” sabi niya.

Dagdag pa ni Kaloy ay hindi siya gumagamit lang ng isang styling at sa halip, sumusubok siya ng iba't ibang style ng pananamit at looks.

Pakinggan ang buong interview ni Kaloy dito: