GMA Logo Kaloy Tingcungco
Source: kaloytingcungco/IG
Celebrity Life

Kaloy Tingcungco, nagtrabaho bilang sales exec, flight attendant, bago naging host

By Kristian Eric Javier
Published May 23, 2024 5:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Kaloy Tingcungco


Alamin kung papaano nagsimula si Kaloy Tingcungco sa showbiz.

Kilala ngayon bilang Morning Oppa sa Umaga ng morning show na Unang Hirit si Kaloy Tingcungco. Ngunit bago pa siya naging host at actor, ay dumaan muna siya sa ibang trabaho tulad ng pagiging sales executive at flight attendant.

Sa Surprise Guest with Pia Arcangel podcast, ikinuwento ni Kaloy na graduate siya ng Bachelor of Science in Business Administration, Major in Marketing. Nilinaw din niya na choice niya ang kurso, at walang nag-impluwensiya sa kaniya.

Aniya, “I mean, well, kasi most of us, in this batch of college graduates, most of my batchmates, sasabihin, 'Why did you take marketing?' or whatever, or like nursing, mostly nursing ang kinukuha, dahil 'yun gusto ng parents, and may mas opportunity which is, I mean, it is true.”

Sinabi rin niya kung gaano siya ka-grateful sa kaniyang mga magulang na binigyan siya ng “liberty and the freedom to choose” pagdating sa kaniyang college course.

Kuwento ni Kaloy, ang unang trabaho niya ay bilang isang sales executive ng isang hotel sa Manila. Kaya lang, limang buwan pa ang hinintay niya bago siya nakapagsimula dahil 20 years old pa lang siya noon, ay mandato umano ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na puwede lang silang mag-hire ng 21 years old and above.

“I was handling events, I tried handling din for a time mga social events so mga private ito like birthdays, weddings, tapos it lasted for about a year and a half din,” sabi niya.

Ngunit pag-amin ng aktor at TV host, naging overwhelming ang kaniyang trabaho kaya nag-resign siya, at sinabing wala siyang naging trabaho sa loob ng limang buwan.

“Five months tengga ako, unemployed ako, I wasn't doing anything. I was able to save up from my earnings, tapos ginamit ko siya pang travel habang nagre-rest ako,” kuwento niya.

“And then my friend, nag-forward siya sa akin ng email na parang alam niyang unemployed ako. 'Uy Carlo, bakit hindi ka mag-try dito?' They are opening slots for flight attendants and 'yung batch ng flight attendants, magte-training pa lang ulit,” pagpapatuloy niya.

Ayon sa kaibigan ni Kaloy, internal pa lang ang email tungkol sa bakanteng posisyon para sa flight attendant kaya siya nagkaroon ng “first dibs” sa pag-a-apply. Pag-alala niya, dumaan muna siya sa isang physical screening, impact interview sa pagitan ng kapwa applicants, at final interview sa head ng human resources.

“That same week, Friday, I got the email that the job offer is being prepared, so let us know if you wanna go through with your application,” pag-alala niya.

MAS KILALANIN PA SI KALOY SA GALLERY NA ITO:

Sabi ni Kaloy, tumagal rin siya ng dalawang taon bilang isang flight attendant, bago tumama ang pandemic noong 2019. Nagsimula umano siya mag modelo para sa isang agency bago nakakuha ng isang TV comercial project at dalawang digital series kung saan siya unang umarte.

Pero ayon sa kaniya, “Nakapag workshop naman ako with them, pero hindi siya enough for me to actually be an actor for mainstream TV like now.”

Hindi rin natuloy ang mga TV commercials niya dahil noong mga panahon na 'yun ay may trabaho pa rin siya bilang flight attendant, hanggang sa na-retrench siya kinalaunan.

Doon na umano nagparamdam uli ang agency na sinalihan niya at inalok siyang mag-modeling at acting. Pag-amin ni Kaloy, iyon ang naging source of income niya noong kasagsagan ng pandemic.

“Then dumating 'yung auditions for GMA, they opened the doors for GMA Artist Center, year 2021, December, and I did audition online,” pag-alala niya.

“It took months before they got back to me and told me na 'You got in, let's proceed with your contract.' Tapos before po mag 'Unang Hirit,' siguro it came 2022 na e,” sabi niya.

Pakinggan ang buong interview ni Kaloy dito: