GMA Logo Ashley Ortega at Mavy Legaspi
Photo by: KALURKS!; ashleyortega (IG)
What's on TV

KALURKS: Ashley Ortega at Mavy Legaspi, napag-uusapan na ba ang kasal?

By Aimee Anoc
Published October 20, 2026 3:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

GCash celebrates 22nd birthday with nationwide 'pasalamat' blowout
Tatay, masaya na sana sa pamilya pero biglang bumalik si ex! | Barangay Love Stories
Tired of skincare trial and error? Here's where to get free derma advice and skin scans this week

Article Inside Page


Showbiz News

Ashley Ortega at Mavy Legaspi


Magdadalawang taon nang magkarelasyon ang celebrity couple na sina Ashley Ortega at Mavy Legaspi.

Ngayong October 27, ise-celebrate nina Ashley Ortega at Mavy Legaspi ang kanilang second anniversary.

Sa pagbisita sa KALURKS!, ibinahagi ni Ashley na mayroon nang pinlano si Mavy para sa celebration ng kanilang anniversary.

"Dinner lang naman, hindi naman kailangan sobrang bongga," sabi ng aktres sa KALURKS! host na sina DJ Jhai Ho, Ashley Rivera, at Baus Rufo.

"I'm just happy na ang tagal na pala namin, two years na rin pala ang nakalipas. So, going strong and I'm happy," dagdag niya.

Napag-uusapan na kaya nina Ashley at Mavy ang pagpapakasal?

"Kami ni Mavy, when he was still courting me, sinabi ko naman na, syempre, I'm not getting any younger, what I want in a partner, in a relationship, is 'yung pang long term na, hopefully.

"Pero right now kasi hindi pa naman namin pinag-uusapan na, 'Are we gonna get married?' Wala pa kasi priority pa namin is 'yung career namin. Especially, Mavy kasi, syempre, he's younger than me. Marami rin pa siyang gustong gawin sa career niya. Especially me, ang dami ko pang gustong gawin. Kaka-start ko lang din pa ng isa pang business.

"Pero, syempre, sinabi ko naman sa kanya na, of course, if sana pinagdadasal ko rin na, syempre, gusto ko na 'yung partner ko ngayon, which is si Mavy, na 'yun na sana. Kasi ang hirap naman if you gonna go back to zero again," sabi ng aktres.

Samantala, kabilang si Ashley sa upcoming GMA Pictures satirical comedy-thriller film na Red Crown, na mapapanood sa mga sinehan simula October 28.

Panoorin ang ikaanim na episode ng KALURKS! dito:

Abangan ang latest at trending issues sa KALURKS! tuwing Linggo, 8:30 p.m. sa GTV.

Maaaring mapanood ang full episode ng KALURKS! sa gmanetwork.com/kalurks.

Maging updated sa KALURKS! Bisitahin ang GMA Network website at GMA Play app para sa latest updates, exclusive content, at trending topics.