
"Nakakaloka!" 'yan ang naging reaksyon ni Ashley Rivera nang i-blind item ng sariling show na KALURKS!
Sa ikalimang episode ng KALURKS! noong Linggo (October 11), may pa-bonus na blind item ang gossip bestie na si Lurkey sa "KALURKS WHO?"
"I have another tea," say nito. "Kalurks itong sexy female host-actress na nag-viral dahil sa kanyang best in facial reaction.
"Super confident siyang dumating sa isang event. Fully made up pa siya at dressed to impress.
"Pero ang ending—stress. Walang setup. Walang tao. Walang ganap! Kasi ang plot twist, kinabukasan pa pala ang event! KALURKS WHO? Jhai Ho will tell you!"
Habang binabanggit ni Lurkey ang blind item ay tawang-tawa naman sina DJ Jhai Ho at Ashley Rivera.
"Nakakaloka! Ganito pala pakiramdam ma-blind item," natatawang sabi ni Ashley.
Kuwento ng aktres sa nangyari, "May pupuntahan kaming event, media day. Hindi ko na-realize 'yung date na pinuntahan ko, the day before ng actual. So sabi ko, 'Nandito na ako. Nasaan kayo?'
"Ha! Bukas pa," ang sagot daw sa kanya.
"Professional. The day before nando'n na. Inunahan ko na kayong lahat," dagdag pa ni Ashley.
Nakangiting sabi naman ni DJ Jhai Ho sa co-host, "Oh kambal, at least naramdaman mo na ang feeling na maging what's the tea ni Lurkey."
Abangan ang maiinit na blind items ni Lurkey sa KALURKS! tuwing Linggo, 8:15 p.m. sa GTV.
Panoorin ang ikalimang episode ng KALURKS! dito:
Maaaring mapanood ang full episode ng KALURKS! sa gmanetwork.com/kalurks.
Maging updated sa KALURKS! Bisitahin ang GMA Network website at GMA Play app para sa latest updates, exclusive content, at trending topics.
MAS KILALANIN SI ASHLEY RIVERA SA GALLERY NA ITO: