
In a "happy" relationship ngayon si Bea Binene sa Pee Mak co-star at actor na si Wilbert Ross.
Sa pagbisita sa 'KALURKS!' noong Linggo (October 4), napag-usapan ang upcoming film ni Bea na 'Pee Mak,' ang Philippine adaptation ng hit Thai horror-comedy film, kung saan kasama niya ang ka-love team na si Wilbert Ross.
Hindi naman napigilang mapahiyaw ng hosts na sina DJ Jhai Ho at Ashley Rivera nang sabihin ni Candy Pangilinan, "Maaamoy ninyo 'yung Wilbert and Bea rito." Kasama rin si Candy sa nasabing pelikula.
Tinanong naman ni DJ Jhai Ho si Bea kung tinatrabaho na nga ba ni Wilbert ang kanyang matamis na oo?
Matatandaan na "in the works" ang naging sagot ni Wilbert sa interview sa 'Fast Talk with Boy Abunda' nang tanungin kung single o taken na nga ba siya.
Sagot naman ni Bea sa tanong ni DJ Jhai Ho, "Siya 'yung sumagot no'n, so dapat siya rin ang sasagot no'n."
Nang tanungin naman kung ano na ang kanilang relationship status ngayon, sagot ng aktres, "Happy."
Dagdag pa niya, "Happy, blessed, grateful."
Kinamusta rin ni DJ Jhai Ho ang closeness nina Bea at Wilbert nang mag-gig kamakailan ang aktres sa Teatrino Promenade sa Greenhills kung saan, aniya, kitang-kita ang pagiging hands-on ni Wilbert.
Kuwento ni Bea, napag-usapan nila ni Wilbert na magkakaroon siya ng gig.
"Yung tumutugtog sa kanya, 'yung banda niya, kinausap niya, pero freelance naman 'yung band niya, so tumutugtog din sa iba. So parang sinabi niya na baka sa akin din, at least kilala na niya, ganyan.
"So doon sa band rehearsals pa lang, nagpi-pitch in na siya ng ideas, tumutulong na siya talaga. And then, nu'ng mismong day, hindi natuloy 'yung raket niya, so sinabi niya, since wala naman siyang ginagawa and it's something he wants to do also, nag-volunteer siya to be, siya na rin mag-direk."
Tinanong din ni DJ Jhai Ho si Candy kung may nalaman ba siya kina Bea at Wilbert habang nagsu-shooting ng kanilang pelikulang Pee Mak.
"Wala, wala akong alam. Alam ko lang, palaging inaayos ni Wilbert ang mga palda niya kapag ito'y maikli," sabi ni Candy.
Samantala, mapapanood na sa mga sinehan nationwide ang Pee Mak simula October 14.
BASAHIN: Bea Binene at Wilbert Ross, nag-react sa 'phenomenal love team' tag
Panoorin ang ikaapat na episode ng KALURKS! dito:
Abangan ang latest at trending issues sa 'KALURKS!' tuwing Linggo, 8:15 p.m. sa GTV.
Maaari ring mapanood ang full episode ng 'KALURKS!' sa gmanetwork.com/kalurks.
Maging updated sa 'KALURKS!' Bisitahin ang GMA Network website at GMA Play app para sa latest updates, exclusive content, at trending topics.
RELATED CONTENT: The youthful beauty of Bea Binene