
Maiinit ang trending issues na pag-uusapan ng Kalurker trio na sina DJ Jhai Ho, Ashley Rivera, at Baus Rufo sa KALURKS! ngayong Linggo, September 20.
Isa narito ang isyu sa pagitan nina Chloe San Jose at ina ni Carlos Yulo na si Angelica Yulo.
Ano kaya ang paliwanag ni Chloe tungkol sa mga birada niya kay Angelica Yulo? Abangan ang eksklusibo niyang statement sa KALURKS!
Hugot ni Alden Richards kung dapat bang ma-pressure ang mga trentahin na single, Sexbomb Girls, ano ang say?
Nasaksihan ni Sandro Muhlach ang viral na pagdudumi ng isang hyrox athlete sa China. Ang kuwento ibabahagi ng aktor live sa 'KALURKS!'
Viva Hot Babes na sina Katya Santos, Maui Taylor, at Andrea del Rosario, makakasama bilang guest Kalurkers!
Abangan 'yan sa 'KALURKS!' ngayong Linggo, 8:30 p.m. sa GTV.
Maaari ring mapanood ang full episode ng KALURKS! sa gmanetwork.com/kalurks.
Maging updated sa KALURKS! Bisitahin ang GMA Network website at GMA Play app para sa latest updates, exclusive content, at trending topics.
RELATED CONTENT:
https://www.gmanetwork.com/entertainment/photos/viva-hot-babes-natuloy-na-rin-ang-reunion-concert/27932/