
Masayang ikinuwento ng young couple na sina Jenna at Rey ang kanilang trending na love story live sa studio ng KALURKS! noong Linggo, November 1.
Nag-viral kamakailan ang kanilang video kung saan ipinagsigawan ni Rey ang kanyang pagmamahal kay Jenna habang sumasakay ito ng jeep.
@lvdbrey me lamba todo ily sa gf ko #reyandjen ♬ original sound - rey and jen ☆
Pero ang plot twist na kinakiligan din ng marami, ito pa lang si Rey ay dating gay best friend ni Jenna.
Kuwento ni Rey, nagsimula ang kanilang love story noong August 2022.
"Brigada Eskwela po siya. Tapos ano siya kasi aesthetic no'n, so nilapitan ko. Kasi ano po ako 'yung petite na bakla, kala mo ganda-gandahan. Naglilinis po ako that time ng salamin tapos siya po 'di talaga kumikilos no'n, parang nag-brigada ka pa tapos 'di ka kikilos... Siya naman po 'yung unang kumausap sa akin that time," kuwento ni Rey.
Ni-reveal naman ni Jenna na tinutukso niya pa noon si Rey sa crush nitong lalaki dati.
Ayon kay Rey, nagsimula silang ma-fall sa isa't isa noong February 2023 kung saan sinabi niya kay Jenna sa chat na "kung magiging lalaki ako, ikaw 'yung magiging crush ko."
Dagdag pa ni Rey, dumalas ang pag-uusap nila ni Jenna sa Instagram at inamin niya pa raw na hindi magiging sila dahil hindi siya marunong manligaw.
Para kay Jenna, nagsimula siyang ma-fall kay Rey nang hinahanap-hanap na niya ang messages ni Rey.
"Na-realize ko po na nafo-fall na ako sa kanya nu'ng minsan po na hindi kami nagkakausap tapos hinahanap-hanap ko na po 'yung messages. Araw-araw po kaming magkausap," sabi ni Jenna.
Nang tanungin kung ano ang naging reaksyon ng mga tao nang malamang naging sila, sagot ni Jenna, "nagulat po."
"Lalo na po, syempre, ang alam nila friend lang po kami tapos gay po siya. Tapos biglang, 'Hala! Kayo na? Totoo ba 'yan?'" dagdag niya.
@lvdbrey siguro nagpanggap ka lang talaga na bakla para jowain ako eh HAHAHA #fyp #foryou #couple #reyandjen #fypシ ♬ original sound - GELA - SHRX•gela✓
Magtatatlong taon na ang relasyon nina Jenna at Rey ngayong December 2026.
Paglalarawan ni Rey sa relationship nila ni Jenna: "Hindi namin sini-center 'yung relationship namin sa 'min. Mas lamang pa rin po 'yung magkaibigan kami, saka 'yung [pag-aaral] po."
Panoorin ang ikawalong episode ng KALURKS! dito:
Abangan ang latest at trending issues sa KALURKS! tuwing Linggo, 8:30 p.m. sa GTV.
Maaari ring mapanood ang full episode ng KALURKS! sa gmanetwork.com/kalurks.
Maging updated sa KALURKS! Bisitahin ang GMA Network website at GMA Play app para sa latest updates, exclusive content, at trending topics.