GMA Logo KALURKS guests Keanna Reeves and Briant Scott Lomboy
Photo by: KALURKS!
What's on TV

KALURKS!: Keanna Reeves at Briant Scott Lomboy, paano ipinaglalaban ang 28-year age gap?

Published October 26, 2026 3:31 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Piso, nakabawi; nagsara sa P63.74:US$1 sa pagtatapos ng linggo
Babaye, Giluba-Patay sa Iyang Kapuyo sa Cebu City | Balitang Bisdak

Article Inside Page


Showbiz News

KALURKS guests Keanna Reeves and Briant Scott Lomboy


Briant Scott Lomboy sa mga komentong ginagamit niya lang umano si Keanna Reeves: 'Kasi iisipin talaga ng tao 'yung sa akin e... Pero wala. Sabi ko nga, mahal kita e."

May say sina Keanna Reeves, 55, at Briant Scott Lomboy, 27, sa mga hindi sumasang-ayon sa kanilang relasyon dahil sa kanilang 28-year age gap.

Sa pagbisita sa KALURKS! noong Linggo (October 25), inamin ni Keanna na hindi na bago sa kanya ang ganitong klaseng relasyon dahil, aniya, tipo talaga niya ang mas bata sa kanya.

"Hindi kasi bago sa akin 'to e. Parang matagal na kong ganito," sabi ng dating Pinoy Big Brother big winner. "Kahit nu'ng high school pa ko, hindi ko rin ano kung bakit mas gusto ko 'yung mas bata sa akin.

"Kaya nake-carry ko siya hanggang ngayon, na wala akong pake, parang normal lang sa akin. Dahil 'yun talaga 'yung type ko, 'yung mas bata sa akin. Ayoko 'yung classmate ko, lalo na 'yung ahead sa akin. Doon ako naa-attract sa mas bata."

Nang tanungin ng host na si Ashley Rivera kung bakit mas naa-attract siya sa mas bata sa kanya, natatawang sagot ni Keanna, "Sa ngayon ang masasabi ko, sherap e."

Pag-amin pa ni Keanna, nasubukan na rin niya na makipagrelasyon sa edad 19 pataas.

"Basta 'wag lang 18 pababa. 19 kasi malaking bulas, 'wag naman 'yung 19 na ang liit naman na tao," dagdag niya.

Sinagot din ni Briant ang mga komentong ginagamit niya lang umano si Keanna.

"Hindi naman. Kasi una pa lang naman ayoko ngang ilabas na kami. Kumbaga mas okay na tahimik lang, nagmamahalan lang tayo. Kasi iisipin talaga ng tao 'yung sa akin e, na baka ginagamit ko lang siya para sa showbiz ko, ganon. Pero wala. Sabi ko nga, mahal kita e," sabi niya.

Ani pa Briant, mahigit dalawang taon na ang kanilang relasyon ni Keanna.

Ibinahagi rin ni DJ Jhai Ho ang nakikita niya sa relasyon nina Keanna at Briant bilang kaibigan.

"So doon sa tanong na ginagamit, alam mo, feeling ko, nakikita ko mars, 'di ba si Briant ang ano... si Keanna 'yung nagluluto, mayroon sila kasing parang mini restaurant, tutok si Briant sa business nila, hindi lang 'yun sa gamitan-gamitan. Kumbaga, teamwork sila pagdating sa negosyo nila."

Nagbigay rin ng kanyang opinyon si Keanna tungkol sa komentong ginagamit lang umano siya ni Briant.

"Actually, normal 'yan sa mindset ng mga Pinoy. 'Pag mas maano 'yung babae, hindi kahit sa lalaki e. Kunwari, hindi kagwapuhan 'yung lalaki tapos maganda ang babae, sasabihin pera-pera lang 'yan. Tapos kung babae naman na may edad, tapos bata 'yung lalaki, sasabihin, 'Ay ginagamit lang 'yan kasi ganu'n.' So, we cannot please everyone."

Nang tanungin ni Baus Rufo kung ano ang pangako nila sa isa't isa, sagot ni Briant, "Ako wala naman akong pinapangako sa kanya. Kasi as long as magkasama kami everyday, masaya naman kami."

Panoorin ang ikapitong episode ng KALURKS! dito:

Abangan ang latest at trending issues sa KALURKS! tuwing Linggo, 8:30 p.m. sa GTV.

Maaari ring mapanood ang full episode ng KALURKS! sa gmanetwork.com/kalurks.

Maging updated sa KALURKS! Bisitahin ang GMA Network website at GMA Play app para sa latest updates, exclusive content, at trending topics.

Related gallery: Keanna Reeves and boyfriend Scott Lomboy's sweetest photos