GMA Logo sylvia sanchez on kalurks
Photo by: Sylvia Sanchez
What's on TV

KALURKS!: Sylvia Sanchez, nilinaw na hindi totoong dinedma ni Ria Atayde si Maine Mendoza

By Aimee Anoc
Published November 26, 2026 2:02 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Alperen Sengun posts triple-double as Rockets put Suns away
Chika Cart: Pekto, inamin ang sikreto sa comedic chemistry nila ni John Feir
Diskarte vs. diploma: Why confidence and clear communication still seal the deal

Article Inside Page


Showbiz News

sylvia sanchez on kalurks


Pinabulaanan ni Sylvia Sanchez ang viral video clip, kung saan inisnab diumano ni Ria Atayde ang sister-in-law niyang si Maine Mendoza sa isang premiere night.

Usap-usapan kamakailan sa social media ang kumalat na video clip nina Maine Mendoza at Arjo Atayde sa isang premiere night, kung saan tila dinedma daw si Maine ng sister-in-law niyang si Ria Atayde.

Nakausap mismo ng KALURKS! ang ina nina Arjo at Ria na si Sylvia Sanchez. Nilinaw niyang hindi totoong inisnab ni Ria si Maine at wala alitan ang dalawa.

Sa katunayan, sa loob ng sinehan ay magkasama raw sina Maine at Ria, at nagkukuwentuhan pa.

Related Gallery: Meet the Atayde siblings, the talented kids of Sylvia Sanchez

Ibinahagi ng host na si DJ Jhai Ho na sinubukan nilang hingan ng statement si Ria at nag-seen ito. Matapos nito ay dumiretso sila kay Sylvia na, aniya, alam ng lahat na very supportive all the time sa kanyang mga anak.

"Dinetalye talaga na inside the cinema, ang eksena ay magkasama, magkatabi si Maine, Ria, nagka-chikahan. May mga picture-picture pa nga raw. So, paglabas ang agad na in-approach ni Ria ay ang kapatid niyang si Arjo," sabi ni DJ Jhai Ho.

"Dinagdag pa nga at sinabi na parang ganun daw kasi talaga yung dynamics ni Maine at ni Arjo, Arjo at ni Maine. Kapag si Maine ang bida sa eksenang ito, hindi eeksena o gagawa ng pa-main character si Arjo, give niya 'yan kay Maine, si Maine ganun din kay Arjo.

"Which na-experience ko nung nag-host ako before sa mga pelikula na parang ang chika nga ay 'pag si Maine, 'Maine, akyat ka naman. Hingi kami message para mag-thank you kay Arjo.' Chika niya, 'No, no, 'wag na. Give na natin kay Arjo.'"

Panoorin ang paglilinaw ni Sylvia Sanchez sa KALURKS! dito:

Abangan ang latest at trending issues sa KALURKS! tuwing Linggo, 8:30 p.m. sa GTV.

Maaaring mapanood ang full episode ng KALURKS! sa gmanetwork.com/kalurks.

Maging updated sa KALURKS! Bisitahin ang GMA Network website at GMA Play app para sa latest updates, exclusive content, at trending topics.