
Heto na ang latest celebrity tea!
Sa ikalimang episode ng KALURKS!, may bagong mainit na showbiz blind item ang gossip bestie na si Lurkey.
"Kumapit kayo dahil juicy ang entry ko," say nito.
"Isang controversial actor, may secret child!
"A few years ago, nabuntis niya ang isang aktres na pa-take off pa lang ang acting career after mag-cross over from a related industry.
"Unang na-smell ng press na may something off sa aktres dahil sa suot niyang loose dress sa isang presscon.
"Since then, bigla na lang siyang naging missing in action. At na-confirm ng aking source na ang dahilan... preggy siya!
"Pero ang mas shocking... nung nalaman niya kung sino ang ama!" pagtatapos nito.
Nagbigay naman ng clue ang KALURKS! host na si DJ Jhai Ho tungkol sa blind item. Sabi niya, "Magaling si aktor... Naging host si aktres ng isang show."
Sinusubukan namang hulaan ng guest Kalurkers na sina Paolo Contis, Chariz Solomon, at Mikoy Morales ang blind item.
Ani Chariz, "Parang narinig ko 'to e. Narinig ko 'to nu'ng nag-taping kami ng isang beses. Sabi ko, 'Bakit kailangan siya tanggalin?' Si aktres 'yung... na-overhear ko nu'ng isang araw."
KALURKS WHO ang nasabing magaling na aktor na may secret child sa isang aktres?
Abangan ang maiinit na blind items ni Lurkey sa KALURKS! tuwing Linggo, 8:15 p.m. sa GTV.
Panoorin ang ikalimang episode ng KALURKS! dito:
Maaaring mapanood ang full episode ng KALURKS! sa gmanetwork.com/kalurks.
Maging updated sa KALURKS! Bisitahin ang GMA Network website at GMA Play app para sa latest updates, exclusive content, at trending topics.
MAS KILALANIN SI ASHLEY RIVERA SA GALLERY NA ITO: