GMA Logo kalurks who
What's on TV

KALURKS WHO: Young stars turned love team, kinonfirm na sila na!

By Aimee Anoc
Published November 23, 2026 12:46 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LOOK: VP Sara Duterte gathers political allies at OVP year-end thanksgiving brunch
QCinema finds permanent home at QC MICE Center Theater
Chika Cart: Hannah Precillas, inilahad kung paano niya hinaharap ang mga komento laban sa kanyang boses

Article Inside Page


Showbiz News

kalurks who


Sikat na love team, mag-jowa na in real life!

Heto na ang latest celebrity tea!

Sa episode 11 ng KALURKS!, may bagong nakakaintrigang blind item ang gossip bestie na si Lurkey.

"Young stars turned love team, mag-jowa na talaga in real life!" say nito.

"Aksidenteng na-canfeermed ang relasyon nina young actor at young actress na hindi pa pinapayagang umamin ng kanilang home network.

"Sa isang presscon, na-corner sila ng isang veteran actress na na-curious at nagtanong kung sila na nga ba.

"Sa gulat ay napa-yes ang dalawa!

"Nai-stress ang kanilang handlers at agad-agad na nakiusap sa press na huwag ilabas ang kanilang confirmation.

"Bakit hindi pa kasi umaamin? Eh sa social media posts nila, halata namang sila na!"

KALURKS WHO ang nasabing love team na mag-jowa na in real life?

Tila kilala naman ng guest Kalurker na si Fifth Solomon ang sinasabing love team sa blind item.

"Oo, kasi nakakasama ko sila sa mga events, so napapansin ko lang na parang may something, may spark," sabi niya.

Panoorin ang buong episode 11 ng KALURKS! dito:

Abangan ang maiinit na blind items ni Lurkey sa KALURKS! tuwing Linggo, 8:30 p.m. sa GTV.

Maaari rin mapanood ang full episodes at online exclusives ng KALURKS! sa gmanetwork.com/kalurks.

Maging updated sa KALURKS! Bisitahin ang GMA Network website at GMA Play app para sa latest updates, exclusive content, at trending topics.

Tingnan ang ilang celebrity love teams na nagkatuluyan dito: