
May isang magandang coincidence na naman sa hit historical portal fantasy series na Maria Clara at Ibarra.
Sa episode kagabi, February 21, namaalam na si Simoun, ang karakter ni Kapuso Drama King Dennis Trillo. Ang pagkamatay niya ang naging susi sa paggunita ng ilang mahahalang aral na mula sa unang nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere.
Sakto namang noong February 21, 1887 natapos ni Rizal ang pagsulat ng nobela at nailimbag naman ito sa susunod na buwan.
Noong Pebrero 21, 1887, natapos ni Jose Rizal na maisulat ang kanyang nobela na Noli Me Tangere.
-- GMA Drama (@GMADrama) February 21, 2023
At sa araw na ito, Pebrero 21, 2023, inalala natin ang mga natutunan mula sa Noli, at namatay si Simoun bilang si Crisostomo Ibarra. #MariaClaraAtIbarra #MCIPasabog pic.twitter.com/Upw72EXJxw
Ngayong gabi naman, February 22, susunduin na ni Mr. Torres (Lou Veloso) si Klay (Barbie Forteza) para bumalik na sa kanyang mundo.
Paano magpapaalam si Klay sa mga taong minahal niya sa mundo ng mga nobela? Anong mga aral din ang maiuuwi niya mula dito?
Patuloy na tumutok sa Maria Clara at Ibarra, Lunes hanggang Biyernes, 8:00 p.m. sa GMA Telebabad. May simulcast din ito sa digital channel na Pinoy Hits, habang mapanood naman ang same-day replay nito Lunes hanggang Biyernes, 9:40 p.m. sa GTV.
Maari ring mapanood nang buo at libre ang episodes ng Maria Clara at Ibarra sa GMANetwork.com/FullEpisodes.
Mapapanood naman ang livestream nito sa GMANetwork.com/KapusoStream at sa GMA Network app.
SAMANTALA, NARITO ANG MGA BAGO AT NAGBABALIK NA KARAKTER SA EL FILIBUSTERISMO ARC NG MARIA CLARA AT IBARRA: