
Limampung taon nang nakakaraan nang magkahiwalay ang kambal na sina James at Joveth, na parehong ipinaampon ng kanilang inang si Mary Joy.
Sa episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho nitong Linggo, sinabi ni Elvis Minuluan, ang umampon kay James na 2008 nang makilala niya ang ina nitong si Mary Joy na nagtatrabaho noon sa isang bar.
Ayon kay Elvis, inampon niya si James dahil sa guilt na nararamdaman sa pag-iwan niya noon sa totoong anak.
“Para makumpleto 'yung pagiging ama kaya ko kinuha 'yung bata,” sabi niya.
Dagdag pa niya, “Kasi nga medyo masakitin si James nung that time, laging hinihika.”
Nagkagustuhan din sila noon ni Mary Joy, ngunit inamin ni Elvis na hindi niya kaya, “kasi mas more on attracted ako sa lalaki kaysa sa babae.”
Iba't ibang raket ang pinasok noon ni Elvis para matustusan ang pangangaliangan ni James, hanggang sa maging isang supervisor siya ng isang kumpanya.
Samantala, inampon naman ng mag-asawang Ferando Ventura at Jeanylyn Ladao si Joveth nang ialok sa kanila ni Mary Joy na ampunin ang isa sa mga kambal niyang anak.
“Kinuha ko si Joveth noon kasi may hika at mabilis magkasakit. Naawa ako sa bata,” sabi ni Fernando.
Dagdag pa niya, “Kasi ang nanay niyan, nagtatrabaho sa bar noon. Naaawa lang ako sa mga bata kasi 'yung dinedede nila ay tubig lang at 'saka brown sugar.”
Hindi alam ni James na meron siyang kakambal at kahit nasabi noon ni Mary Joykay Elvis na merong kakambal ang aampunin niya, ang akala niya ay nagbibiro lang ito.
“Sabi ko, hindi ako maniwala may kambal kasi nga, andito sa akin 'yung certificate ng baby na isa lang 'yung baby,” sabi ni Elvis.
Nalaman na lang nina Elvis at James na totoong may kakambal ang binata nang kontakin sila ni Mary Joy sa Facebook.
Samantala, bata pa lang ay sinabi na ni Fernando kay Joveth ang tungkol sa kaniyang kakambal.
At sa kanilang kaarawan, iisa lang ang hiling ng kambal; ang makita nila ang isa't-isa.
"Sa birthday ko, gusto ko makita 'yung kakambal ko ng face to face para makausap ko talaga siya,” ani ni James.
Samantalang si Joveth, “Gusto ko makita sina Mama at Papa, at kapatid kong kambal. Ang wish ko po ay gusto ko pong makita 'yung kapatid ko.”
Sa tulong ng social media ay nahanap nina James at Elvis ang kaniyang kakambal na nakatira sa Manolo Fortich, Bukidnon. Tatlong oras ito mula sa Maramag, Bukidnon kung saan sila nakatira. Kaya naman tinulungan ng KMJS na magkita na sa wakas sina James at Joveth.
Sa isang parke ay ibinigay kay James ang early birthday gift niya, ang kaniyang kakambal na si Joveth. Sa pagkikita nila ay hindi maitago ng kambal ang saya na sa wakas, ay magkasama na silang muli.
“Sobra kong saya kasi ngayon ko lang nakita 'yung kapatid ko, 'yung kambal ko. Sixteen years bago ko nakita,” sabi ni Joveth.
Ayon naman kay James, “Happy ako na nakita ko siya, face to face. Gusto namin makita 'yung pamilya namin, para mabuo 'yung totoong pamilya namin.”
TINGNAN ANG MGA CELEBRITIES NA MAY ANAK NA KAMBAL SA GALLERY NA ITO:
Masaya rin ang mga tumayong magulang ng kambal na sina Fernando, Jeanylyn, at Elvis. Ayon pa kay Elvis ay kahit matagal nang kilala ni James ang inang si Mary Joy, pakiramdam niya ay may kulang pa rin sa binata.
“Ever since naman, kilala niya 'yung mama niya so parang incomplete pa rin kasi about years ago bago 'to nangyari na nakita niya 'yung kambal niya,” sabi niya.
Sinubukan din kunan ng pahayag ng KMJS si Mary Joy, ngunit tumanggi itong magpaiinterview. Nangtanungin ang kambal kung may galit ba sila sa kanilang ina sa pagpapaampon sa kanila, ang sagot ni Joveth, “Wala, walang galit. Kahit isa, wala.”
“Wala naman akong nararamdaman na galit na ibinigay ako sa ibang tao,” sabi niya.
Ayon naman kay James, hindi rin siya nagtampo o dinecline ang kaniyang ina.
Panoorin ang buong segment dito: