
Mapupuno ng aksyon at kaabang-abang na mga laban ang umaga dahil mapapanood na sa GMA ang fantaseryeng Kamen Rider Geats.
Simula ngayong August 17 ay mapapanood na ang ultimate survival game na puno ng mga matinding laban na talaga namang kaabang-abang.
Matutunghayan sa Kamen Rider Geats ang mga Kamen Rider na makakalaban ang iba't ibang mga elemento sa survival game na Desire Grand Prix para protektahan ang mga mamamayan.
Abangan ang banggaan ng galing at kapangyarihan sa Kamen Rider Geats, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 a.m. sa GMA Fantaseries.