GMA Logo Kamen Rider Revice
What's Hot

Kamen Rider Revice, mapapanood na sa GMA

By Hazel Jane Cruz
Published June 23, 2025 4:43 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Benguet police, kinumpirmang patay na si ex-DPWH Usec. Cabral
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

Kamen Rider Revice


Panoorin ang Japanese drama na 'Kamen Rider Revice' simula June 30, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 ng umaga.

Umaatikabong aksiyon at exciting adventures ang handog ng bagong susubaybayan tuwing umaga sa GMA Fantaseries.

Simula Lunes, June 30, mapapanood na ang isa sa pinakatumatak na Japanese tokusatsu drama noong 2021 -- ang Kamen Rider Revice.

Handa na si Ikki Igarashi at ang kaniyang inner beast na si Vice na ipakita ang kanilang lakas bilang Kamen Riders Revi and Vice na silang sasagip sa mundo mula sa bagsik ng Deadmans.

Hindi rin papahuli ang kapatid ni Ikki na sina Daiji at Sakura na ipakita ang kanilang galing sa pakikipaglaban bilang Kamen Riders Live at Jeanne.

Ano-ano ang mga nag-aabang na adventures sa mga Kamen Riders?

At paano nila tatalunin ang kasamaang dala ng Deadmans, pati na rin ang mga challenges sa buhay na susubok sa kanilang lakas at talino?

Panoorin lahat ng iyan sa Kamen Rider Revice simula June 30, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 a.m. sa GMA.