
Opisyal na ngang parte ng bawat umaga ng mga Kapuso ang 2021 Japanese drama na Kamen Rider Revice noong Lunes, June 30.
Matapos ang ilang linggong paghihintay ay nakilala na si Ikki Igarashi, isang mabuti at family-oriented na indibidwal na ang tanging focus lamang ay ang kanilang negosyo.
Ngunit tuluyang nagbago ang kaniyang buhay sa pagdating ng kaniyang inner beast na si Vice na siyang nakatulong niya sa unang pagsalakay ng mga Deadmans.
Sila na ngayon sina Kamen Rider Revi at Kamen Rider Vice.
Hindi rin papahuli sa aksiyon at saya ang kapatid ni Ikki Igarashi na sina Daiji at Sakura na handang ipakita ang kanilang galing sa pakikipaglaban bilang Kamen Riders Live at Jeanne.
Ano-ano pa nga ba ang mga nag-aabang na adventures sa mga Kamen Riders?
At paano nila tatalunin ang kasamaang dala ng Deadmans, pati na rin ang mga challenges sa buhay na susubok sa kanilang lakas at talino?
Panoorin lahat ng iyan sa Kamen Rider Revice, Lunes hanggang Biyernes, 8:25 a.m. sa GMA.