What's Hot

Kampo ni Rhian Ramos, handang kasuhan ang mga nagpapakalat ng fake news tungkol sa kanya

By Kristine Kang
Published February 24, 2026 12:01 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Vlogger who allegedly used police uniform arrested in Pasay —NAPOLCOM
Nearly 3T cops to be deployed in NorMin for 40th EDSA anniv
Met Gala 2026 dress code revealed

Article Inside Page


Showbiz News

Rhian Ramos, Atty Lorna Kapunan


Magsasampa umano ng kasong sibil at kriminal si Rhian Ramos laban sa mga gumagawa ng mapanirang pahayag tungkol sa kanya.

Nagsalita muli ang kampo ni Rhian Ramos kaugnay sa mga kumakalat na umano'y maling impormasyon laban sa aktres.

Sa ulat ni Vicky Morales sa 24 Oras, inihayag na naghahanda na ang panig ng aktres na magsampa ng kasong sibil at kriminal laban sa mga taong nagpapakalat ng mapanirang pahayag tungkol sa kanya.

Ayon sa abogado ni Rhian na si Atty. Lorna Kapunan, natukoy na nila ang mga unang naglabas ng naturang mga alegasyon. Dagdag pa niya, patuloy nilang sinusubaybayan ang iba pang nagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon laban sa aktres.

Hinikayat din ng kampo ni Rhian ang publiko na igalang at pangalagaan ang karapatan at dignidad ng kababaihan, lalo na't papalapit ang pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan.

"Even if she's a celebrity, she's a public figure, she has her own private life outside her show," ani Atty. Lorna.

Bago ang inilabas na bagong pahayag, nagsalita na rin ang kampo nina Rhian Ramos at Michelle Dee tungkol sa mga reklamong pagkulong at pambubugbog ng isang personal assistant at driver (Alyas Totoy).

Noong January, giit ng dalawa na walang insidente ng illegal detention, lalo na't residente naman ng condo unit si Alyas Totoy bilang driver ni Rhian.

Dagdag pa ng kanilang abogado na si Maggie Garduque, ang huling insidente ng pagkikita ng dalawang aktres kay Totoy ay noong maghain si Michelle ng kaso para sa qualified theft. Sa katunayan, nagsauli pa umano ang dating driver ni Rhian ng gamit sa beauty queen.

"Our clients have not received a copy of the complaint allegedly filed against them before the NBI. They will answer as soon as they receive the copy of said complaint. As far as our client is concerned, there is no incident of illegal detention...as Mr. **** was a resident of the condo, being the driver of Rhian," sabi ni Atty. Maggie.

"The last incident that [Michelle] had with the driver of Rhian is during that time na nag-file siya ng qualified theft. There were medical certificates before the arrest, and meron din namang mugshots na wala namang nakita doon sa, if there were allegations of physical injury."

BALIKAN ANG ILAN SA MGA HIGH PROFILE LIBEL COMPLAINTS NA ISINAMPA NG PHILIPPINE SHOWBIZ PERSONALITIES SA GALLERY NA ITO: