
Isa nang malaking artista si Carla Abellana kung maituturing ngunit aminado ang aktres na sa kabila ng kanyang estado ay nasa-starstruck pa rin siya.
Pinatunayan ito ng Kapuso actress nang makilala niya ang isang 13-year-old boy na nagngangalang Ken.
Sa kanyang Instagram post, hindi itinago ng aktres ang kanyang paghanga sa batang lalaki.
Aniya, "The young man next to me is Ken. I got starstrucked when i met him yesterday because I've only been admiring him on social media. He started rescuing animals years ago when he was much younger (and shorter ). He's just about to turn 13 and yet he has already rescued animals of all shapes and sizes. While many Filipinos still disregard animal welfare, Ken remains passionate and determined."
Bukod sa pagiging magaling na artista, si Carla ay kilala rin bilang isang animal welfare advocate. Kung kaya't hindi na nakapagtataka na saludo siya sa trese anyos na binata.
Samantala, malapit nang mapanood si Carla sa Mulawin VS Ravena bilang si Aviona. Parte din ang aktres ng I Heart Davao kung saan katambal niya si Tom Rodriguez.
MORE ON CARLA ABELLANA:
WATCH: Carla Abellana, umaming napag-uusapan na ang future with Tom Rodriguez
IN PHOTOS: Carla Abellana is a model bride!
Photos by: @carlaangeline(IG)