
Bentang-benta ang steamy dance cover ni The Stepdaughters star Edgar Allan Guzman online!
Mas lalong pinainit ng hunky actor ang kantang “Pony” ni American singer-songwriter Ginuwine. Makalaglag-panga ang kanyang sexy dance moves na talagang binagay niya sa kanta.
Para sa mga hindi nakakaalam, itong kantang ito ang naging signature striptease music ni Channing Tatum sa 2015 American comedy-drama film, 'Magic Mike XXL.'
Hindi lang ang mga netizens ang nahumaling sa galing ni EA sa pagsasayaw, pati kapwa niya mga artista ay hindi napigilang magkumento.
Ayon sa mga netizens, hindi pa naghuhubad ng t-shirt ang aktor, hot na ang kanyang dating. Napanood mo na ba ang shirtless dance cover ng Kapuso star?