GMA Logo Shaira Diaz and Kween Yasmin
What's Hot

Kantahan battle nina Shaira Diaz at Kween Yasmin, inaabangan ng netizens

By EJ Chua
Published July 13, 2023 12:03 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

Shaira Diaz and Kween Yasmin


Sino kaya kina Shaira Diaz at Kween Yasmin ang papasa sa pandinig ng viewers at netizens? Abangan sila sa 'Unang Hirit.'

Inaabangan na ng ilang netizens ang kantahan battle ng Morning Sunshine ng Unang Hirit na si Shaira Diaz at ang viral social media personality na si 'Kween' Yasmin Asistido.

Ayon sa teaser video na inilabas sa Facebook page morning show, muling masusubukan sa kantahan ang Sparkle star na si Shaira.

Siya ay kasalukuyang napapanood sa Unang Hirit bilang isa sa hosts na nagbibigay saya sa mga manonood.

Bukod dito, isa rin si Shaira sa mga hinahangaang aktres sa Kapuso Network.

Sa nalalapit na kantahan battle sa naturang programa, makakatunggali ng aktres si 'Kween' Yasmin na nakilala sa social media sa pamamagitan ng kanyang nakakaaliw na viral singing videos.

Ang netizens, excited na para sa pagtatagisan nila pagdating sa pagkanta.

Hati naman ang nakukuha nilang suporta dahil ilang netizens ang nakasuporta kay Shaira at ang ilan naman ay inaabangan si Kween Yasmin.

Sa kasalukuyan, si Shaira ay mayroon nang 4.6 million followers sa Facebook, habang si Kween Yasmin naman ay mayroong 357,000 followers sa kaparehas na social media platform.

Huwag palampasin ang kanilang paghaharap sa Unang Hirit.

SILIPIN ANG FANGIRL MOMENTS NI SHAIRA DIAZ SA GALLERY SA IBABA: