
Nagsalita na ang kapatid ng yumaong aktor at matinee idol na si Rico Yan tungkol sa patuloy na pagdadawit ng pangalan nito sa pamumulitika.
Sa pamamagitan ng Instagram Stories, idiniin ni Tina Marie Yan na walang karapatan ang sinuman na gamitin ang pangalan ni Rico sa pangangampanya, direkta man o hindi.
"You have no right dragging my late brother's name into your indirect campaign motives," sulat niya.
Hinimok niya ang mga ito na tigilan na ang panggagamit sa kanyang kapatid.
"I don't care about yours or anyone's political views--you just leave my late brother's name out of this," ani Tina.
Basahin ang buong pahayag ni Tina dito:
Isa si Rico sa mga pinakasikat at pinakamamahal na artista noong dekada '90s.
Ikinagulat ng industriya ang kanyang pagkamatay noong taong 2002 dahil sa cardiac arrest na dulot ng acute hemorrhagic pancreatitis habang nagbabakasyon kasama ang mga kaibigan sa Dos Palmas Resort sa Palawan. 27 years old lang si Rico noong siya ay pumanaw.
Silpin ang iba pang celebrity deaths na lubos na ikinagulat at ikinalungkot ng Pilipinas dito: