
Matapos ang kanyang matagumpay na beauty pageant journey, sunud-sunod ngayon ang guesting at courtesy visit ng Kapuso actress turned beauty queen na si Herlene Budol a.k.a. "Sexy Hipon."
Ngayong araw, bumisita si Herlene sa Plenary Hall ng Senado kung saan nagbigay-galang siya sa ilang mga senador na naroroon gaya nina Robin Padilla, Bong Go, Ronald "Bato" Dela Rosa, at Raffy Tulfo.
Sa Instagram, ibinihagi ni Herlene ang ilang mga larawan mula sa kanyang naging pagbisita.
Makikita sa kanyang post na nagkaroon din sila ng pagkakataon na magkausap ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary na si Sen.Tulfo.
"Ako po ay natutuwang maimbitahan bilang panauhin sa Plenary Hall ng Senado, dahil din po kay Sen. @raffytulfoinaction Isang karangalan ang magkaroon ng courtesy call mula sa Senado," caption ni Herlene sa kanyang post.
Tinanghal na first runner-up si Herlene sa katatapos lang Binibining Pilipinas 2022. Bukod sa titulo, hinakot rin ang actress-comedienne ang maraming special awards sa nasabing beauty pageant.
SAMANTALA, MAS KILALANIN PA SI HERLENE A.K.A. SEXY HIPON SA GALLERY NA ITO: