What's Hot

Kapuso artists, naghandog ng inspirational songs sa gitna ng COVID-19 crisis

By Dianara Alegre
Published April 16, 2020 12:57 PM PHT
Updated June 19, 2020 10:05 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Manila City illuminates its Christmas tree and celebrates with a concert
#WilmaPH continues to move slowly east of Borongan City
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News

inspirational songs for covid 19 crisis


Isang inspirational song ang handog ng ilang Kapuso artist para sa publiko sa gitna ng COVID-19 crisis.

Naghandog ng inspirational songs ang ilang Kapuso artists para pagaanin ang pakiramdam ng publiko sa gitna ng COVID-19 crisis.

Tatlong taon na mula nang isinulat ni Senator Tito Sotto ang awiting “Song of Hope” na inawit ng Broadway Boys sa Eat Bulaga.

Ang lyrics ng kanta ay sumasalamin sa iba't ibang antas ng buhay, ngunit iisa lamang ang Diyos na gumagabay.

Ayon kay Senator Tito, nang isinusulat niya ang awitin, pakiramdam niya ay katuwang niya ang Panginoon sa paglalapat ng liriko rito.

“Talagang medyo parang guided ang feeling ko nu'ng sinusulat ko 'yan, e, kasi 'di ko rin akalain na 'yung mga lyrics na sinusulat ko o nilalagay ko kasi 'yung dulo ng kanta, is equivalent to the Divine Mercy,” aniya.

Samantala, naghandog naman ng orihinal na kanta ang The Clash Season 1 finalist na si Garett Bolden, ang “A Soldier In White” na sinulat ni Lolito Go.

A post shared by garrett devan bolden jr (@garrettboldenjr) on

Ito ay para naman sa mga frontliner ng bansa na itinataya ang kanilang buhay upang magligtas ng buhay ng iba.

“Na-sacrifice 'yung mga buhay nila para maprotektahan tayo, especially 'yung patients na may COVID-19.

"So, na-inspire po ako nang husto listening to the song and to record the song,” saad ni Garett.

“Para po sa mga frontliners, maraming maraming salamat po sa lahat ng mga ginawa ninyo para po sa amin, para po maligtas 'yung mga pasyente, mga tao na nakaranas po nito,” dagdag pa niya.

Gayundin, itinuturing nina Bianca Umali, Hannah Precillas, Crystal Lozano, at Matt Lozano na malaking karangalan ang maging bahagi ng “Prayer for Generosity” na para naman sa mga taong nagmalasakit at nagmagandang loob na tumulong sa gitna ng krisis.

@rickmcalderon

A post shared by Bianca Umali (@bianxa) on

“To have the song heard and made for the people who have to hear it, for the purpose of the song and for people to know na malaki 'yung suporta namin para sa kanila,” pahayag ni Bianca.

Panoorin ang buong 24 Oras report:


Garrett Bolden sings inspirational songs for #HealingHearts online concert

GMA Artist Center stars, to go live on Facebook everyday during the enhanced community quarantine

Bianca Umali to frontliners: 'You are our heroes'