
Talagang naging masaya at maningning ang Linggo ng Kapuso fans dahil sa ginanap na "Sparkle Fans Day: Isang Pasasalamat" sa SM Skydome.
Ayon sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, napuno ang venue ng fans ng Sparkle artists, na mayroong dalang mga placard at banner bilang pagpapakita ng kanilang suporta at pagmamahal sa kanilang mga idolo.
Ang ginanap na malaking fan gathering ay paraan ng Sparkle upang magpasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sa kanila.
Dumalo ang iba't ibang mahuhusay na Sparkle stars sa event tulad nina Andrea Torres, Sanya Lopez, Jeric Gonzales, Bianca Umali, at Ken Chan.
“It's nice to give back, lalo na magpapasko rin. So happy kami na makakapag-perform kami sa kanila live kasi bibihira na rin 'yung mga pagkakataon talaga ngayon na may event,” ani Andrea.
PHOTO COURTESY: GMA News (YT)
Naghatid din ng kilig sa fans ang real-life Kapuso couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, pati na rin ang Sparkle love teams gaya nina Ysabel Ortega at Miguel Tanfelix, Sofia Pablo at Allen Ansay, at Jamir Zabarte at Zonia Mejia.
Present din sa "Sparkle Fans Day: Isang Pasasalamat" ang bagong youth-oriented group ng Kapuso network na Sparkada.
Bukod sa mga inihandang production number ng Sparkle artists, may pa-raffle rin ang mga ito para sa ilang maswerteng fans na nakapag-uwi ng papremyo.
Panoorin ang Chika Minute report sa video sa ibaba.
SAMANTALA, BALIKAN ANG GINANAP NA “THE SPARKLE SPELL” HALLOWEEN PARTY SA GALLERY NA ITO.