
Nag-uwi ng karangalan ang iba't ibang stars ng GMA Network sa prestihiyosong 38th Aliw Awards na ginanap noong Lunes, December 15 sa Manila Hotel.
Ang taunang parangal na ito ay kumikilala sa kahusayan at talento pagdating sa live entertainment, concerts, at performance arts sa bansa.
Isa si House Of Lies star Jackie-Lou Blanco sa mga nag-uwi ng karangalan. Hinirang siya bilang “Best Actress in a Lead Play” para sa The Foxrot.
“Sobrang happy. Sobrang happy ako because; s'yempre when you win an award, even nga when you're nominated , parang alam mong kahit papaano may nakita sa'yo or naging maganda 'yong trabaho mo,” sabi ni Jackie-Lou sa kanyang panayam sa 24 Oras.
Nominado naman si Sparkle actor Royce Cabrera bilang “Best Male Lead Actor na bumida rin sa naturang play kasama ni Jackie-Lou.
Wagi rin ang Sparkle artist na si Tim Yap bilang “Best Male Host.” Sa kanyang speech, nagpasalamat siya sa Aliw Awards dahil sa pagkilala nito sa larangan ng hosting.
“Thank you so much to Aliw Awards for honoring the craft of hosting. Oftentimes, it seems like it's effortless, but hosting is really anchored on preparedness, on instinct and a deep love and respect for the audience,” ani Tim.
Kinilala rin bilang “Best Female Classical Performer” ang Sparkle Prime Workshop Head and Facilitator at Kapuso actress na si Ana Feleo.
Ang ina niya namang si Laurice Guillen ang tumanggap ng kanyang parangal dahil wala sa bansa ang aktres.
Ang inang si Laurice din ang bumasa ng speech nito. “This recognition is possible only because of the extraordinary artists who helped me make that climb. I share this award to them,” sulat ni Ana sa kanyang speech.
Hinirang naman bilang “Best Child Performer” ang panganay na anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Zia Dantes.
Ang two-time “Entertainer of the Year” and Asia's Limitless Star na si Julie Anne San Jose naman ang nagbigay ng isang powerful performance ng kantang Bukas Na Lang Kita Mamahalin.
Nagbigay din ng “Lifetime Achievement Award” ang Aliw Awards sa mga taong nagbigay kontribusyon sa larangan ng entertainment. Kabilang dito sina Asia's Nightingale Lani Misalucha at ang Divine Diva na si ZsaZsa Padilla.