What's Hot

Kapuso celebrities, gandang-ganda kay Baby Zia

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated March 14, 2020 3:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Amihan to bring cloudy skies, light rain over Luzon
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



Valeen Montenegro, Julie Anne San Jose, Barbie Forteza, at Andrea Torres, humahanga sa kagandahan ni Baby Zia


By BEA RODRIGUEZ

"Ang ganda-ganda! Ba't ganun, ba't maganda na siya?" ang naging reaksyon ng 'Sunday PinaSaya' performer na si Valeen Montenegro nang ipinadala ng Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang litrato ni Baby Maria Letizia sa kanilang Viber group.

 

A photo posted by Valeen Montenegro (@valeentawak) on


READ: Marian Riverat at Baby Zia, kabilang sa most searched topics sa Singapore, Malaysia at Vietnam 

Dagdag niya sa report ng 'Unang Hirit,' "Para sa akin, mas kamukha niya si Ate Yanyan [lalong-lalo na] 'yung ilong at saka 'yung eyelashes, ang haba, parang falsies!"

Cute na cute naman ang Asia’s Pop Sweetheart na si Julie Anne San Jose nang makita niya ito sa group chat, "Noong una ko siyang nakita, sobrang nakyutan talaga ako!"

Pero sa palagay ng singer-actress, si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes ang
nakikita niya sa bata. Aniya, "Mas kamukha siya ni Kuya Dong."

LOOK: Dingdong Dantes and Marian Rivera’s first photo together after Baby Zia
was born


Ang sexy actress na si Andrea Torres ay may larawan daw ni Baby Zia sa kanyang phone. Ang kanyang nakakatandang kapatid sa showbiz ang napili niyang kamukha ng baby, "Si Ate Yan [kasi] noong nakita ko talaga, super kamukhang-kamukha niya. Carbon copy talaga."

Para naman kay Kapuso Teen Queen Barbie Forteza, manang-mana raw sa nanay at tatay si Baby Zia ngunit mas nangingibabaw ang pisikal na katangian ng ina.

Saad ng aktres, "Pareho sila, totoo 'to, hindi bias. Kuya Dong, sorry [pero] si Ate 'Yan kasi 'yung pilik-mata, 'yung ilong [at] 'yung shape ng face. Unang kita ko talaga, Baby Marian talaga eh."

READ: DongYan fans in awe after seeing Dantes Family together; says it’s a dream come true