
Well spent ang time off ng ilang Kapuso stars na nagpunta sa iba't ibang bansa para sa isang quick get away. Ang ilan sa kanila, nagbakasyon, habang ang ilan naman ay isinabay na rin ito sa kanilang trabaho.
Nagpunta ang dating The Master Cutter star na si Shuvee Etrata sa New York. Sa kaniyang post online, ibinahagi ng dating Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemate ang ilang snaps mula sa kanyang trip.
Caption ni Shuvee sa kaniyang post, "Just a girl, her iced chocolate, and the city she once saw from afar."
Tila one with nature naman si Mikee Quintos sa kaniyang recent trip sa South Africa, kasama ang ilan sa mga GMA executives, kabilang na sina GMA Network Senior Vice President Atty. Annette Gozon-Valdez, at Sparkle GMA Artist Center first Vice President Joy Marcelo.
Bukod sa magagandang tanawin, nakita rin ni Mikee ng personal ang ilang animals sa South Africa.
KILALANIN ANG CELEBRITIES NA MAHILIG MAG-SOLO TRAVEL SA GALLERY NA ITO:
Out and about naman sina Bea Alonzo at Gabbi Garcia sa kanilang recent trip sa China. Tila real-life postcards ang photos ng una, na kuhang-kuha ang ganda ng aktres at ng lugar.
Samantala, mala- fashion event naman ang pinuntahan ni Gabbi sa kanyang all-black fit na may splash ng denim.
Sa kaniyang post, sinabi ni Gabbi, "Back in Lijiang, China! every girl's dream trip."
Panoorin ang report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras Weekend dito: