What's on TV

Kapuso child stars, bibigyang-buhay ang kuwento ng viral na magkapatid sa '#MPK'

By Marah Ruiz
Published September 2, 2021 7:16 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DA approves SRA plan for sugar export to US
Sinulog 2026: 'Traslacion' peacekeepers sent off
Pagbabago sa serbisyong medikal sa Silvino Lubos matapos ang 8 na taon | Reporter's Notebook

Article Inside Page


Showbiz News

Bilog ang Bunak on MPK


Sina Leanne Bautista at Kenken Nuyad ang gaganap sa sa viral na magkapatid na Bilog at Bunak Tiongson sa '#MPK.'

Kinagiliwan online ang magkapatid na nagkapikunan habang kumakanta ng Tagalog version ng "Dance with My Father" ni Luther Vandross.

Nag-viral ang kanilang video na may mahigit na 2.5 million views.

Kaya naman tampok ang kuwento ng magkapatid na ito sa episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Si Leanne Bautista ang gaganap bilang Bilog, habang si Kenken Nuyad naman si Bunak.

Viral Siblings on MPK

Bigla na lang mawawala ang kanilang amang si Dan (Gardo Versoza) kaya mag-isa silang itinataguyod ng ina nilang si Anna (Lotlot de Leon).

Dahil nangungulila sa ama, bibidyuhan ni Bilog ang kanyang sarili habang kumakanta sa pag-asang mapanood nito ang video. Pero habang kinukunan ang sarili, pilit siyang ginugulo ni Bunak.

Hindi matatapos ni Bilog ang kanta at magkakapikunan pa sila ni Bunak. Ipo-post pa rin naman ng kanilang kapatid na si Daniela (Barbara Miguel) ang video at agad itong magba-viral.

Makukuha kaya ng kanilang ama ang mensaheng nais ipaabot ng magkapatid?

Abangan ang kanilang kuwento sa episode na pinamagatang "Viral Siblings: The Bilog and Bunak Tiongson Story" ngayong Sabado, September 4, 7:15 pm sa #MPK.

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito: