
Nagsama-sama ang ilan sa pinakamagagaling na Drama Queens ng Pilipinas na sina Sunshine Dizon, Angelika Dela Cruz, Angelu de Leon, Lotlot de Leon, at Chynna Ortaleza para bigyang boses ang mga karakter sa 'Sky Castle.'
Si Sunshine ang magiging boses ni Julie, ang university coach na pinag-aawayan ng mga mga nanay ng 'Sky Castle.'
Bibigyang boses din nina Angelu, Angelika, Lotlot, at Chynna sina Arlene, Ginny, Sarah, at Geleen, ang apat na tiger moms ng 'Sky Castle.'
<iframe width="100%" height="340" class="ent-evideo-embed" src="https://www.gmanetwork.com/entertainment/showbiznews/news/103610/sky-castle-kilalanin-ang-mga-boses-sa-likod-ng-mga-karakter-teaser/evideo?embed=evideo&v=yt" frameborder="0"></iframe>
Umiikot ang kwento ng Sky Castle sa buhay ng housewives ng mga ng mga prominenteng pamilya sa Sky Castle na sina Sarah, Geleen, at Ginny na makapasok ang kanilang mga anak sa Seoul National University kaya naman hihingin nila ang tulong ng University Exam coach na si Julie Kim.
Ngunit lahat sila ay nagulat nang magpakamatay ang kanilang kapitbahay na si Margie matapos makapasok ang kanyang anak sa Seoul National University Medical School, sa tulong na rin ni Julie Kim.
Sa pagkamatay ni Margie, lilipat naman sa Sky Castle ang pamilya ni Arlene, na ke-kwestyunin ang ginawa nina Sarah, Geleen, at Ginny sa pagkuha ng University Exam Coach.
May kinalaman ba si Julie Kim sa pagkamatay ni Margie? Ano ang magiging papel ni Arlene sa buhay ng mga 'Tiger Moms' ng Sky Castle?
Abangan ang Sky Castle, malapit na sa GMA!