GMA Logo Luke Conde
Celebrity Life

Kapuso hunk actor Luke Conde admits he is a huge K-pop fan

By Aimee Anoc
Published August 18, 2021 10:21 AM PHT

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist

Article Inside Page


Showbiz News

Luke Conde


Dalawa sa paboritong K-pop group ni Luke Conde ang ASTRO at SF9.

Buong pagmamalaking ibinahagi ni Kapuso actor Luke Conde na isa siyang K-pop fan.

Inamin ni Luke sa interview sa GMA Entertainment na malaki ang paghanga niya sa mga K-pop artists. Dalawa sa paboritong grupo ng aktor ang ASTRO at SF9. Dahil sa malaking paghanga, kung minsan maging ang itsura at pananamit ng mga idolo ay ginagaya na rin Luke.

Luke Conde (IG)

"Nagkataon kasi na si Moonbin 'yung bias ko sa Astro so mas nakatutok ako du'n sa styling na ginagawa sa kanya. Actually, kahit sino namang K-pop artist basta nakitaan ko na magaling pumorma o maganda 'yung songs I really appreciate it. Isa siya sa happy pill ko talaga specially ngayong may pandemic," pagbabahagi ni Luke.

Ibinahagi rin ng aktor ang kanyang paghanga sa mga K-pop artist sa pagdadala ng mga ito sa kanilang kasuotan.

"I'm more of du'n sa styling kasi sobrang hanga ako sa out of the box styling na ginagawa sa mga K-pop artist e. 'Yung confidence nila du'n talaga ako sobrang humahanga sa kanila, na kahit anong ipasuot sa kanila nadadala nila," dagdag pa ng aktor.

Luke Conde (IG)

Nagsimula raw ang paghanga ni Luke sa K-pop groups noong panahon ng Super Junior at 2ne1 na halos isang dekada na ang nakalilipas. Pero sineryoso raw niya ang pagiging isang K-pop fan nito lamang 2018.

"Yung pakikinig kasi matagal na rin e like second and a half generation ng K-pop... part ng 2ne1 and [Super Junior]. Bata pa ako noon. I mean nakikisayaw ka, nakikikanta ka pero 'yung pagiging fan talaga I think nangyari siya 2 to 3 years ago lang. Mas na-appreciate ko na kasi ang mga pinagdaraanan nila as a K-pop artist," kuwento ni Luke.

Luke Conde (IG)

Dating miyembro si Luke ng Filipino boy group na #Hashtags at naging isang ganap na Kapuso noong Hunyo matapos pumirma ng kontrata sa GMA Artist Center.

Samantala, malapit na ring mapanood si Luke sa mga paparating na serye ng GMA tulad ng Lolong at Never Say Goodbye.

Tignan sa gallery na ito ang hottest photos ng bagong Kapuso hunk na si Luke Conde: