Article Inside Page
Showbiz News
Na-LSS ba kayo sa theme song ng 'Yagit'? Well, ito na ang chance ninyong kantahin ang official soundtrack ng Afternoon Prime soap na 'Basta't Kasama Ka'.
By AL KENDRICK NOGUERA
Na-LSS ba kayo sa theme song ng
Yagit? Well, ito na ang chance ninyong kantahin ang official soundtrack ng Afternoon Prime soap na
Basta't Kasama Ka na kinanta at isinulat ni Gloc-9 kasama si
Protege Season 1 finalist Lirah Bermudez.
"Basta't Kasama Ka"
Performed by Gloc-9 and Lirah Bermudez
Lyrics and melody by Gloc-9
Chorus:
Palaboy-laboy sa lansangan kami'y walang matutuluyan
Ang buhay ay tila bumibigat pa
Makakaya ko ba?
Palakad-lakad sa lansangan
Tila walang patutunguhan
Ang bukas ay may maihahatid pa
Basta't kasama ka
I
Tulak-tulak kariton pataas sa riles
Pilit na nag-iipon pambili ng dilis
Damputin mo sa kahon retaso na pangbihis
Isang baldeng tubig sabon basahan na panglinis
Ng kotse punasan ang dungis na pinahid
Ng buhay sa pagkatao higpitan mo ang kapit
'Wag na 'wag kang bibitaw 'wag kang magagalit dahil pagmamahal lang ang dapat ginagamit
(Repeat chorus)
II
Tulak-tulak kariton pataas sa riles
Pilit na nag-iipon pambili ng dilis
Damputin mo sa kahon retaso na pangbihis
Isang baldeng tubig sabon basahan na panglinis
Ng sahig sakit pait na dinanas
Lupit parang damit na ginupit ng matalas
Damputin ang butil kahit 'di magkaparehas kahit batang yagit
Ay may karapatan sa bukas
Bridge:
Simula pa nang ako ay magkamuwang
Hinahawi na lahat nang nakahadlang
Dito sa mundo pwede bang magkapuwang
Kahit sa 'kin ay pilit kong hinihiram
III
Lahat ng kahirapan
Lahat ng pighati
Basta't magkasama tayo at 'di hati-hati
Handa kong tiisin nang walang atubili
Masilayan ko lamang ang matamis mong ngiti
Sabi nila ang buhay ay sadyang mapagbiro minsa'y nakakasugat galos na dumudugo
Kahit ano pang hamon hindi ako yuyuko ikaw ang kalakasan at aking tagabuo
(Repeat chorus)
Basta't kasama ka