
Sinuri ng team ng Kapuso Mo, Jessica Soho ang 22 anyos na si Janiz, na di umano'y tinubuan ng suso sa kaniyang kili-kili!
Nagsimula raw ang lahat nang isilang ni Janiz ang kaniyang unang anak noong 2013.
"Nung nagbubuntis ako, hanggang umabot sa third trimester, may something sa kili-kili ko na masakit. Hindi ko na lang po pinansin.”
Dagdag ni Janiz, nagsimulang tumubo ang mala-suso na bukol sa kaniyang kili-kili.
“Curious lang ako, kasi sa pangatlo kong baby…habang paparami 'yung mga anak ko, parang paparami ng paparami 'yung tumutulo.”
Ano kaya ang tumubo sa kili-kili ni Janiz?