
Wagi ang ilang Kapuso news personalities na Gawad Pilipino Awards 2022.
Ang parangal na ito ay kumikilala ng mga personalidad na nagkaroon ng kontribusyon sa lipunan sa pamamagitan ng kanilang ipinamalas na passion sa trabaho at pambihirang work ethic.
Nagbukas naman ang Gawad Pilipino Awards ng bagong kategorya ng Icon of the Year Award na kikilala sa mga taong may mga adbokasiya na nakakatulong sa mga Pilipino lalo sa sa panahon ng sakuna.
Hinirang bilang "icons" sa ilalim na kategoryang ito ang ilang Kapuso news personalities dahil sa kanilang paglilingkod ng buong puso para sa Pilipino.
Si award-winning broadcast journalist Jessica Soho ang napili bilang Outstanding Magazine Show Host of the Year.
Outstanding Female Anchor of the Year at Outstanding Male Anchor of the Year ang 24 Oras news presenters na sina Mel Tiangco at Mike Enriquez.