
Muli na naman nakatanggap ng pagkilala ang ilang personalidad mula sa GMA News and Public Affairs.
Ilan kasi sa mga Kapuso news personalities ang pinarangalan sa ginanap ng 2022 Gawad TANGLAW Awards.
Natanggap ng investigative journalist at documentarist na si Kara David ang Jury Award for Mass Communications, isa sa mga pinakamataas na pagkilala ng Gawag TANGLAW.
Inihandog naman ang Gawad MLQU Pro Patria ET Jure (For country and justice) kina 24 Oras news anchors Mel Tiangco at Vicky Morales, State of the Nation news anchor Atom Araullo, at broadcast journalist Jessica Soho.
Ang Gawad TANGLAW Awards o Gawad Tagapuring mga Akademisyan ng Aninong Gumagalaw ay grupo ng media practitioners at mga propesor mula sa iba't ibang mga unibersidad sa bansa na nagbibigay ng pagkilala sa mga mahuhusay na tao at produkto sa larangan ng telebisyon, radyo, pelikula at print media.
Ngayong taon, idinaos nitong May 19 sa Victoria Sports Tower sa Quezon City ang taunang parangal.