
Ibinahagi ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na nais niyang bumalik sa pag-arte ngunit hanggang hosting duties lamang daw muna ang kaya nitong gawin sa ngayon.
“Malay natin next year. Syempre, hindi malayong malapit na ulit 'yan at gaganap uli ako at magta-trabaho muli,” pagbahagi ni aktres kay Aubrey Carampel ng 24 Oras.
Sa kasalukuyan, si Marian ay ang host ng weekly drama-anthology series na Tadhana at magsisimula na ang ikaapat na anibersaryo ng naturang programa sa darating na November 13.
Maliban sa work from home, abala rin ang aktres sa kanyang lumalaking negosyo dahil mayroon na itong sariling clothing line na matagal na raw pangarap ni Marian. Inabot lamang ng tatlong araw para ma-sold out ang karamihan sa white pieces ng clothing line ng aktres.
Bukod sa pagiging host at entrepreneur, isang hands-on mom din ang Kapuso Primetime Queen sa kanyang dalawang anak na sina Zia at Sixto. Tiyak na isang super momma si Marian dahil kaya niyang pagsabay-sabayin ang lahat ng mga ito.
“As long as masaya ka at gusto mo 'yung ginagawa mo, time management, at malaking tulong 'yung mga nakapaligid sayo ay tinutulungan ka nila para mas mapadali ang mga trabaho mo,” ani Marian.
Samantala, tingnan ang classy all-white OOTDs ni Marian Rivera rito: