Article Inside Page
Showbiz News
Dahil napaka-active nito sa mga charity works, hindi maiwasan tanungin si Marian Rivera kung may plano ba siyang pasukin ang mundo ng pulitika,

Likas sa Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang pagtulong. Nito lamang Pebrero nagpunta siya sa Bantayan Island sa Cebu kung saan pinangunahan ng aktres ang pag-turnover ng 100 bangka para sa mga mangingisda na naapektuhan ng bagyong “Yolanda” noong nakaraang taon.
Si Marian ang nanguna sa Kapuso Adopt-A-Bangka project. Malaki ang naitulong ng nasabing proyekto para masimulan ng mga mangingisda para ibangon ang buhay ng kanilang pamilya na winasak ng nagdaang delubyo.
Noong Enero naman, bumisita sina Marian at Kapuso Primetime King Dingdong Dantes sa Tahan-Tahanan halfway homes, kung saan pinasaya ng mag-nobyo ang mga batang maysakit. Ang naturang foundation ay apat na taon nang sinusuportahan ng Kapuso actress.
Kaya naman hindi maiwasan tanungin ang former
Carmela Star kung may plano ba siyang pasukin ang mundo ng pulitika, dahil napaka-active nito sa mga charity works.
Sa panayam ng Balitanghali, itinanggi ng Primetime Queen na tatakbo siya sa susunod na eleksyon, “Hindi naman sa nagsasalita ako ng tapos, pero wala talaga sa dugo ko, wala akong nararamdaman. Ang importante lang sa akin makapagpaligaya ako ng tao.”
For more news about Marian Rivera and other Kapuso celebrities please log on to
www.gmanetwork.com.
--Text by Aedrianne Acar, Photo by Bochic Estrada, Interview from Balitanghali