
Good news, mga Kapuso!
Kabilang ang ilang GMA programs sa listahan ng finalists para sa 2022 Lasallian Scholarum Awards.
Patuloy na kinakikitaan ng husay sa paggawa ng dekalidad na youth at education-related stories ang ating mga Kapuso na nagsisilbing inspirasyon sa napakaraming Pilipino.
Isa na rito ang makabuluhang dokumentaryo ni Kara David sa I-Witness na pinamagatang "Pandemic Teachers."
Ibinahagi rito ang istorya ng isang guro na patuloy na nagsasakripisyo sa gitna ng pandemya upang maabot at maturuan nang personal ang mga batang Dumagat.
Isa-isang pinupuntahan ng guro ang kaniyang mga estudyante na nakatira pa sa taas ng bundok at kung minsan ay tumatawid din siya ng ilog para makapagturo.
Sa kasalukuyan, ang dokumentaryong ito ay mayroon nang mahigit 780,000 views mula nang ini-upload ito sa YouTube noong October 2021.
Narito ang listahan ng Kapuso programs na finalists sa Outstanding Video Feature on Youth and Education category sa 2022 Lasallian Scholarum Awards:
"Pandemic Teachers"
Kara David
I-Witness
GMA
"Nuwebe, Trese, Katorse"
Kara David
I-Witness
"Munting Bisig"
Atom Araullo
The Atom Araullo Specials
"Too young to marry? Mga kwento ng ilang child bride sa Pilipinas"
Ria Garcia
Stand for truth
"The Doctor is online"
Mariz Umali
I-Witness
Congratulations, mga Kapuso!
Samantala, alamin kung ano ang mga naging trabaho ng ilang GMA News anchors bago naging reporters: