GMA Logo Chino Gaston
What's Hot

Kapuso reporter na si Chino Gaston, nagpositibo sa COVID-19

By Maine Aquino
Published August 19, 2020 3:34 PM PHT
Updated August 19, 2020 3:39 PM PHT

Around GMA

Around GMA

'A Knight of the Seven Kingdoms' final trailer sets fun tone for 'Game of Thrones' prequel
Over 200 passengers stranded at Cebu City port due to #WilmaPH
NAIA is opening more food halls at Terminal 3

Article Inside Page


Showbiz News

Chino Gaston


Sa isang video, ibinahagi ni Chino Gaston ang kanyang kuwento nang magpositibo siya sa COVID-19.

"Those who are still out in the field, kahit gaano kaingat, eventually, madadapuan sa madadapuan."

Ito ang naging pahayag ni Chino Gaston nang ibahagi niya ang kanyang kuwento nang magpositibo siya sa COVID-19.

Ayon sa post ng GMA Public Affairs, "KAPUSO REPORTER NA SI CHINO GASTON, GUMALING MULA SA COVID-19 MATAPOS ANG TATLONG LINGGONG PANANATILI SA ISANG QUARANTINE FACILITY!"

July 22 noong nagpa-swab test ang journalist sa isang test center dahil nakaramdam umano siya ng symptoms ng COVID-19.

Chino Gaston

"Labintatlong taon nang journalist si Chino Gaston kaya sanay na siyang magbalita sa mga giyera o sakuna. Pero ang pandemya ngayon ay isa raw kakaibang war zone."

Pumasok si Chino sa isang quarantine facility at ipinakita niya ang mga naganap sa kanyang pananatili roon.

"July 22 nang magpunta siya sa swab test center ng Mandaluyong City, ngunit hindi para magbalita dahil siya mismo ang isasalang sa swab testing para sa COVID-19. Inabot ng tatlong linggo bago mag-negatibo sa COVID-19 swab test si Chino."

"Sa kanyang paggaling, muli siyang sasabak sa laban nang mas handa at armado na ng karanasan."

Panoorin ang naging kuwento ni Chino nang siya ay nagpositibo sa COVID-19.


How to avoid virus transmission through surfaces and objects according to COVID-19 survivors

Donita Nose recovers from COVID-19; thanks medical frontliners