GMA Logo Kapuso Serye Review
What's Hot

Kapuso Serye Review, may mahigit 100M views na sa TikTok!

By Jimboy Napoles
Published March 7, 2023 5:20 PM PHT

Around GMA

Around GMA

LTO summons pick-up driver who ran over, killed girl in Ilocos Sur
Lalaki patay sang gintiro sang gwardiya nga iya ginbuno sa Barotac Nuevo | One Western Visayas
Philippine flag carrier celebrates 85th anniversary with new aircraft

Article Inside Page


Showbiz News

Kapuso Serye Review


Panalo na sa ratings, panalo pa sa reviews online ang maraming Kapuso serye.

Bukod sa mataas na ratings at social media engagements, panalo rin sa online views ang GMA shows sa TikTok.

Sa katunayan, umabot na sa mahigit 100 million views ang hashtag Kapuso Serye Review tampok ang positive and honest reviews ng ilang online influencers sa episodes, trending scenes, at online challenge videos ng Kapuso series sa short-video streaming app na TikTok.

Naging epektibong paraan ang Kapuso Serye Review upang mas maintindihan ng mga manonood ang bawat episode na napapanood nila sa TV at sa Kapuso streams.

Nagsilbi rin itong daan upang mas ma-appreciate ng maraming Kapuso viewers ang kanilang mga sinusubaybayang GMA shows.

Samantala, ngayong March 8, asahan ang mas pinalawak pa na #KapusoSeryeReview kung saan mamimili ang GMA ng sampung reaction videos mula sa TikTok users tampok ang kanilang reviews sa mga eksena sa Mga Lihim ni Urduja gaya ng TikTok video sa ibaba:

@jezreelely Mga Lihim ni Urduja pilot episode pasabog agad! #mgalihimniurduja #kyliepadilla #kapusoseryereview #kapuso #gmanetwork #urduja #fyp #entertainmentph #whatsupmgakamaganak #jezreelely @GMA Network ♬ original sound - Jezreel Ely

Ang mapipiling TikTok users ay may chance na personal na makabisita sa set ng mega serye na Mga Lihim ni Urduja at makita ang cast nito na pinangungunahan nina Sanya Lopez, Kylie Padilla, at Gabbi Garcia.

Manatiling nakatutok sa GMA at simulan na ang inyong Kapuso Serye Review video at baka ito na ang chance na makasama ang inyong favorite Kapuso stars.

Para sa iba pang updates, bisitahin ang GMANetwork.com.