
Matagumpay ang naging pagdiriwang ng Kapuso Countdown to 2026 sa Seaside Boulevard ng SM Mall of Asia nitong December 31, kung saan libo-libong mga Kapuso ang dumalo.
Sa "Chika Minute" report ni Aubrey Carampel para sa 24 Oras, all-out ang energy na ibinigay ng Kapuso stars at special guests sa naturang event.
Naghatid ng masasayang song performances on stage ang Kapuso stars na sina Christian Bautista, John Rex, Anthony Rosaldo, pati sina Julie Anne San Jose, Hannah Precillas, at Jessica Villarubin.
Ipinamalas din nina Rayver Cruz at Kyline Alcantara ang kanilang dance moves sa stage, habang sina Angel Guardian at Anthony Rosaldo ay mayroong sweet duet performance.
Nakisaya rin ang Miss Grand International 2025 na si Emma Tiglao sa Kapuso Countdown to 2026 kung saan nakasama niya sa pag-perform sina Kyline, Dasuri Choi, at Faith Da Silva.
Bukod dito, naghatid din saya sa naturang event ang former Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition housemates na sina Will Ashley, AZ Martinez, Charlie Fleming, at Vince Maristela kasama ang Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition 2.0 ex-housemates na sina Marco Masa, Waynona Collings, Lee Victor, at Eliza Borromeo.
Hinarana rin ni Will ang crowd sa Kapuso Countdown to 2026 at naghandog ng duet sina Christian at Julie Anne nang awitin nila ang kanta ng huli na "Simula."
Mayroon ding special performance ang K-pop group na AHOF sa nasabing event para sa kanilang Filipino fans.
Panoorin ang buong "Chika Minute" report sa video na ito.