What's Hot

Kapuso stars at programs, humakot ng parangal sa Anak TV Awards 2018

By Marah Ruiz
Published December 7, 2018 5:17 PM PHT
Updated December 7, 2018 5:35 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Lapsag nga babaye, nakita nga ginsab-it sa garahe sa Santa Barbara, Iloilo | One Western Visayas
Hontiveros: 2028 polls, etc tackled in ‘Tropang Angat’ dinner
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News



Wagi na naman ang ilang mga programa at personalidad ng GMA Network sa Anak TV Awards 2018.

Wagi na naman ang ilang mga programa at personalidad ng GMA Network sa Anak TV Awards 2018.

Marian Rivera
Marian Rivera

Nakatanggap ng Anak TV Seal ang mga programang 24 Oras, 24 Oras Weekend, Aha!, All Star Videoke, Ang Forever Ko'y Ikaw, Born to be Wild, Daig Kayo ng Lola Ko, iBilib, Kapuso Mo, Jessica Soho, Pepito Manaloto, Pinoy MD, Sarap Diva, Sherlock Jr., Stories for the Soul, Unang Hirit at Wish Ko Lang.

Nabigyan din ng Anak TV seal ang ilang mga programa mula sa regional stations ng GMA tulad ng Balitang Amianan, Balitang Bisdak, Byaheng DO30, Kapuso sa Panagbenga: The Balitang Amianan Special Live Coverage, One Mindanao at Pit Senyor: The Balitang Bisdak Special Coverage.

Nakakuha din and GMA News TV programs na Ang Pinaka, Biyahe Ni Drew, Brigada, Tunay Na Buhay, Day Off, Good News, Idol Sa Kusina, iJuander, Investigative Documentaries, News To Go, Poptalk at Wagas ng Anak TV Seal.

Samantala, hinirang naman bilang Makabata Stars sina Atom Araullo, Drew Arellano, Dingdong Dantes, Alden Richards, Michael V, Barbie Forteza, Maine Mendoza, Gloria Romero, Bianca Umali at Marian Rivera.

Maraming Salamat po sa bumubuo ng Anak TV Seal Awards sa paggawad muli sa akin bilang isa sa Female Makabata Stars. Nakakataba po ng puso na makatanggap ng pagkilala bilang huwaran para sa mga kabataan. Ang pagkilalang ito ay magsisilbi po na motivation sa akin na mas pag butihin pa ang ang aking trabaho, at mas magbigay inspirasyon para sa mga kabataan. ❤️

Isang post na ibinahagi ni Marian Rivera Gracia Dantes (@marianrivera) noong

Ang Anak TV Awards ay taunang parangal para sa mga personalidad at programang itinuturing na "kid-friendly."