
Rest in peace Direk Wenn.
Hinatid na sa huling hantungan ang mga labi ni Direk Wenn Deramas kahapon.
Ang Little Nanay star na si Gladys Reyes at isa sa mga inaanak sa kasal ng yumaong direktor ay kabilang sa mga nakiramay kahapon.
Si Direk Wenn o Edwin Deramas sa tunay na buhay ay pumanaw noong February 29 sanhi ng cardiac arrest.
Sa post ng aktres sa kanyang Instagram account, pina-abot nito ang kanyang pasasalamat at pagmamahal sa direktor. "Ninong Direk, salamat muli mo pinagtagpo ang mga dating magkakasama, magkakatrabaho at magkakaibigan... Saan Ka Man Naroroon alam naming masaya mo kaming pinanonood sa malaki mong monitor at nakikita mong andami namin nagmamahal sayo."
READ: Gladys Reyes's emotional farewell message for Direk Wenn Deramas
Ang Sunday PinaSaya host naman na si Joey Paras ay nagtungo kahapon sa Himalayang Pilipino kung saan inilibing ang direktor.
Nakasama ni Joey si Direk Wenn sa ilang pelikulang ginawa niya kabilang na ang launching movie niya na Bekikang.
READ: Joey Paras, walang hanggan ang pasasalamat kay Direk Wenn Deramas
Ngayon araw naman (March 7) dumalaw sa puntod ng direktor si Aiai ?Delas Alas. Nagsama ang dalawa sa maraming pelikula kabilang na ang Tanging Ina series of movies na pinagbidahan ni Aiai.